Nanay na OFW, emosyonal nang hindi siya kilala ng kanyang anak pag-uwi galing abroad - The Daily Sentry


Nanay na OFW, emosyonal nang hindi siya kilala ng kanyang anak pag-uwi galing abroad



Larawan mula kay Mariabel Delapeña Rustia
Halong saya at lungkot ang naramdaman ng nanay na isang overseas Filipino worker (OFW), dahil sakanyang naranasan nang siya ay umuwi sa kanilang bahay matapos ang mahigit dalawang taong pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Viral sa social media ang videong i-nupload ng isang nanay na ofw na si Mariabel Delapeña Rustia, matapos mag-iiyak at ayaw magpakarga sakanya ang kanyang 3 years old na anak dahil hindi siya nito makilala.

Kwento ni Mariabel, 7 months palang ang kanyang anak ay iniwan na nya ito upang makipagsapalaran sa Saudi kung kaya naman ang kanyang nanay at tatay ang tumayong mga magulang ng kanyang anak.

“Pero nung nasa Saudi pa ako.. Tanggap ko na talaga na pagka uwi ko dito sa, pinas. Na talagang hindi na ako kilala ng anak ko. Dahil 7 months pa, lang iniwan ko na sya sa parent ko,” ayon kay Mariabel.
Larawan mula kay Mariabel Delapeña Rustia
Ayon pa kay Mariabel, ang akala nito ay makakaahon na ang kanyang pamilya sa hirap kapag nakapagtrabaho na siya sa abroad ngunit mas masakit pa umano ang naging kapalit nito.

“Pero ang mas masakit after two YEARS buhay ofw. Pag uwi ko dito sa pinas di na ako kilala ng anak ko,” sabi niya. 

Kaya payo ni Mariabel sa ibang nanay na ofw na katulad niyang mayroong iniwang anak, huwah na daw patagalin pa ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Basahin ang post ni Mariabel sa ibaba:

“Halong emosyonal ang naramdaman ko. Masaya at malungkot.

Pero nung nasa Saudi pa ako.. Tanggap ko na talaga na pagka uwi ko dito sa, pinas na talagang hindi na ako kilala ng anak ko. Dahil 7 months pa, lang iniwan ko na sya sa parent ko. 

“Para makipagsapalaran sa manila hanggang nakita ko ang isang aportunity na makapag abroad. Kala ko kapag abroad makakaahon na kami sa hirap ng buhay.. Kala ko after two years.. Mabibili ko na lahat mga Pangarap ko para sa Pamilya ko. Hindi pala. Pero ang Mas masakit after two YEARS buhay ofw. Pag uwi ko dito sa pinas di na ako kilala ng anak ko. 😭😭Kasi iba na ang kinikilala nya mga MAGULANG..
Larawan mula kay Mariabel Delapeña Rustia
“Ang nag-alaga sa kanya from 7 months to 3 years old ay ang kanyang Lolo at Lola. 😭😭

“Masakit Pero kelangan ko tanggapin😔😊

“Kaya payo ko sa, inyo mga ka ofw ko na Katulad ko may anak na baby. Iniwan nyo dito sa pinas.

“Wag nyo na patagalin pa dyan. Habang hindi pa huli ang lahat. Kung may isang apurtunidad na dumating sa inyo dyan habang andyan pa kayo.
Sunggaban nyo.. Grab nyo na.. Kung Alam nyo naman yung aportunity na yun.. Sya magpapauwi sa inyo dito. AT di nyo na kelangan pa ulit mg abroad at iwan yung mga mahal nyo sa buhay dito sa pinas.

“#DATINGOFWRAKETERA

Panoorin ang video sa ibaba:


****