Mga larawan hango mula sa Facebook/Venus Sulit
Isang
nakaka-antig na kwento ng isang guro tungkol sa kanyang estudyante ang viral
ngayon sa social media.
Ayon
sa post ni Teacher Venus, nag-champion ang kanyang estudyante na si Jayson D.
Mahirang isang Grade 1 student sa marathon sa kanilang paaralan sa Sariaya
East kaya bilang premyo, inilibre sya ni Teacher Venus sa Jolibee.
Sa
Facebook post ng guro, di raw makapaniwala ang bata na ililibre siya ng kanyang
guro. Ramdam ng guro ang galak sa bata.
Dagdag
pa ni Jayson, mula pa nang maipanganak siya, di pa raw siya nakakapasok at
nakakakain sa Jollibee.
Dahil
dito, hindi na raw napigilan ni Teacher Venus na maluha sa sinabi ni Jayson.
Mabuting bata raw kasi talaga ito. Bukod sa talino nito sa Math,
honor student daw talaga ito sa kanilang paaralan.
Sa
isang pagkakataon, napagalitan din nya umano niya si Jayson. Napansin nyang
wala pa rin ito sa kanilang silid aralan at oras ng kanila klase. Nakita na
lamang niya ang bata sa canteen na nanonood ng TV.
Agad
namang humingi ng paumanhin ang bata. Kwento ni Jayson, hindi pa raw siya
nakakapasok at sinabing di niya namalayang napatunganga na siya sa TV. Wala raw
silang TV at wala rin silang kuryente kaya naman noon lamang siya nakapanood.
Dito
na nalaman ni Tacher Venus ang tunay na kalagayan ng bata, naikwento ni Jayson
ang kanyang buhay sa guro.
Labis
na humanga ang guro sa estudyante dahil sa mura edad nito, nahaharap pa rin
niya ang bawat araw ng may ngiti at positibong tingin sa buhay.*
Bakas
sa mga ngiti ni Jayson sa larawan ang kasiyahang kanyang babaunin dahil may
isang Teacher Venus siya na nagmamalasakit at tumatayo bilang pangalawa ina.
Bagaman
may mga pagkukulang man marahil ang mga magulang ni Jayson, nariyan naman ang
kanyang Teacher Venus na gumagabay at nagsisilbing pangalawang magulang ni
Jayson pagdating sa paaralan.
Narito
ang kabuuan ng post ni Teacher Venus:
Jayson:
"Ma'am, ipagjo-jollibee nyo po ako? Parang sobra naman po yata 'yon, ehh
nanalo lang naman po ako ehh" *with his innocent face
Ako:
"Ano ka ba? Anong nanalo LANG? Ikaw po kaya ang champion sa mathrathon sa
buong Sariaya East, deserve mo naman po na ipag-jollibee kita!"
Jayson:
"Di pa po kasi ako nakakapasok ng Jollibee mula nung ipinanganak ako,
nahihiya po ako!"
And my
tears starts falling down!
Di ko
lubos maisip na ang kausap ko ay ISANG GRADE 1 STUDENT pa lamang na dapat puro
laro lang ang nasa isip but then para syang matanda kung makipag usap because
of what he experienced on his life in this kind of age! He is Jayson D.
Maghirang, one of my with honor learner.
I'm
still young to be a mother pero isa sya sa nag paparamdam sakin na isa na akong
ina, sobrang sarap lang sa feeling. Everytime I see his genuine smile, di
ako nawawalan ng pag asa na makakaahon 'to sa kung anong meron sila ngayon! *
One
time, napa galitan ko sya kasi oras ng klase nanunuod sya ng TV dun sa canteen
ng aming school (kapitbahay lang namin ang canteen), and then biglang sabi nya
"Ma'am, sorry po! Di ko na po namalayan na nanunuod na po ako ehh, wala po
kasi kaming TV at wala rin po kasi kaming kuryente sa bahay," at kinuwento
na nya sakin ang buong buhay nya kasama ang pamilya nya.
Bigla
akong nanlambot at nasaktan dun sa mga narinig ko. Di ko man ma kwento ang
buhay na meron sya ngayon but I could really tell that the life of this child
will inspire you to become strong in facing problems in life yet nagagawa nya
pa ring ngumiti!
Matututunan
mo rin sa kanya kung gaano ka kaswerte sa buhay at kung gaano mo kailangan
makontento kung anong meron ka sa kasalukuyan? Congratulation's my
baby, I am your top fan teacher! Godbless you, at sobrang mahal ko kayong
lahat ng mga kaklase mo!
Tunay
ngang ikalawang ina ng mga mag-aaral ang ating mga guro na nasasaktan para sa
kanyang anak sa tuwing ito ay nahihirapan.
Nariyan
din sila para maging gabay sa pag laki ng mga kabataan, hindi lang upang sila
ay turuan ng kanilang mga leksyon sa paaralan.