Nagpapakita nung uutang pa; di na mahagilap nung bayaran na: Wag na kayong mag papautang - The Daily Sentry


Nagpapakita nung uutang pa; di na mahagilap nung bayaran na: Wag na kayong mag papautang



Larawan mula sa post


Hi, kamusta?

Madalas ito ang mga kataga na ngayon ang ginagamit pang-unang bwelo sa mga kaibigan o mga kakilala na nagbabalak manghiram o umutang ng pera.

Kagaya nalang sa naging kinahinatnan sa utang ng isang kaibigan na inabot nalang sa kung ano-anong mga dahilan, palusot at mga paasa at umabot nadin ng umabot ng ilang araw, linggo, buwan hanggang nauwi nalang sa "Thank you”.

Pahirapan na sa singilan

Ikaw na nga nagpautang, problema mo pa kung paano mo siya masisingil ang perang hiniram sayo.


"Sa bawat singil ko sa kanya sobra nya akong pinahihirapan at pinapaasa ( keso ganito, keso ganyan) inuunawa ko kahit alam kong hindi totoo. Sobrang ang sakit sakit lang na yung pera mong pinaghirapan di mo makuha kuha,"

Lawaran mula sa Filipino Times

Mga paasang dahilan

"May mga pag kakataon nga na sabi nya nag padala na sya pero pag dating ko sa LBC at palawan express di naman nag eexist yung tracking number na binibigay nya at ang idadahilan nya hindi daw na submit ng teller kasi down daw," saad sa isang post.

Wag basta-basta maniniwala

"Since mag kaibigan kami wala akong dalawang isip na pahiramin sya. Kasi sa tatay naman nya to gagamitin. pero nabalitan ko sa mama nya na di naman nya sa tatay ginamit,"

Basahin ang buong post: 

Please take time to read this. sorry kung mali or tama itong gagawin ko, Sobrang ang sakit sakit lang na yung pera mong pinaghirapan di mo makuha kuha. last year Si Queen Natalia( Alfred Pineda) ay humiram sakin ng 18k dahil sabi nya gagamitin nya yung pera sa pampagamot ng tatay nya, Since mag kaibigan kami wala akong dalawang isip na pahiramin sya. Kasi sa tatay naman nya to gagamitin. pero nabalitan ko sa mama nya na di naman nya sa tatay ginamit. 

Wala kasi tumayong tatay/papa samin magkakapatid alam ko ang feeling na walang tatay/papa. sinugal nya daw ang pera, pero wala naman syang narinig sakin kasi desisyon nya kung saan gagamitin ang pera.sa bawat singil ko sa kanya sobra nya akong pinahihirapan at pinapaasa ( keso ganito, keso ganyan) inuunawa ko kahit alam kong hindi totoo, 

may mga pag kakataon nga na sabi nya nag padala na sya pero pag dating ko sa LBC at palawan express di naman nag eexist yung tracking number na binibigay nya at ang idadahilan nya hindi daw na submit ng teller kasi down daw, inintindi ko pa din kahit wala akong tulog basta makuha ko lang yung bayad nya, 

minsan di ako natutulog kasi nangako sya na magpapadala ng hapon so para hindi ko makaliktaan inaantay ko ang update nya,pero natatapos ang araw wala akong balita. 

Minsan dinadamay nya pa ang lola nya nanay nya sa kasinungalingan nya. Bihira ko lang sya singilin kasi alam ko ako din ang mapapagod, yung naka post na convo namin was a recent na pag uusap namin para mag padala sya. 

ilang linggo na nya akong pinapahirapan makuha ang pera, una nyang dahilan is nakaready na yung pera ipapadala nlang nya kaso daw wala syang time kasi nasa school sya( ang sipag naman aral ng aral) hangang umabot ng isang linggo na wala syang oras magpadala naiintindihan ko naman kasi nag aaral sya at para sa kinabukasan nya yon, 

sumunod na linggo sabi nya napahiram daw nya sa kaibigan nya yung ipapadala nya(galing nagpahiram pa ka tlaga ng pera)umabot ulit ng ilang araw at huling dahilan nya nasa nanay nya na yung pera pero nasa subic daw ang nanay nya at wala daw dun padalahan ng pera( akala nya di pa ako nakaka punta ng subic ) okay sige inintindi ko. umabot ng dalawang araw na nasa nanay nya daw ang pera pabalik na ng manila. 

so nakuha na daw nya ang pera at ipapadala nya daw ngayon. Eto ako mag 2 hrs nang nag aantay sa padala nya kakalabas ko lang ng office at 9am kasi 12am ung shift ko. magiintay nLang muna ako dito since last shift na mamaya. kahit walang tulog laban sa pag pasok. maliligo nalang ako paguwi bago pumasok. 

Sana matulungan nyo akong makarating tong post na to sa family nya at sa @OBAR para maging aware din ang mga kawork nya sa gawain ni Natalia( Alfred Pineda) sa modus nya.

Sayo na yang pera na yan regalo ko na yan sayo dahil magpapasko na, make sure na bubusugin mo ang family mo sa pasko at bagong taon. malaking tulong na yan at ang matitira sa pag aaral mo para makatapos ka na.

Natuto naman ako na wag basta basta magpahiram ng pera kaibigan mo man yan or hindi kasi di natin alam na baka ganito lang din pala ang sasapitin ko pagkatapos kong makatulong .

yung convo po na nasa post isa palang po sa mga buwan at araw kung gaano nya ako pahirapan makuha yung pera.

Paki share nalang din po please para makarating sa family at relatives nya.

wag na po kayong mag papautang baka sapitin nyo po ang sinasapit ko ngayon.

****

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Source: Wel Diones | Facebook