Larawan kuha mula sa post ni Katrina Macasa |
Tapat mo. Linis mo.
Basura mo. Ligpit mo.
Isa ito sa mga simple at common na kasabihan ngunit napaka-makabuluhan ang hatid di lamang sa pansariling kapakanan ngunit pati na rin sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.
Mainit na pinag-uusapan sa social media ang isang post na nag viral kamakailan lamang tungkol sa nagkalat na mga basura sa may Quezon Avenue, QC.
Sa pinost na mga larawang kuha ni Katrina Macasa, makikita ang mga basurang nagkalat sa gilid ng daan na puro mga plastic at paper cups at mga upos ng mga sigarilyo.
Larawan kuha mula sa post ni Katrina Macasa |
"Sa mga call center agents na nagyoyosi sa sidewalk ng #EtonCentris. Maawa naman kayo sa mga naglilinis. #hiyahiyadin #mgabasuraniyo #MMDA," saad ni Katrina sa kanyang post.
Naging matunog sa publiko ngayon ang paghihigpit ng mga ilang lokal na pamahalaan tungkol sa kalat ng basura, ngunit gayunpaman kahit na anong gawin ng ibang tao malinis lang ang lugar kung wala namang katiting na disiplina sa sarili ang isang tao ay wala ding mangyayaring kaayusan.
Umani din ito ng mga pagbatikos at puna mula sa mga netizen na nagpahayag na kani-kanilang mga opinyon ukol dito:
"Paki tag po mga nanghuhuli, madalas yan madaling araw, instant pera yan pag nahuli nyo lahat sila, nakikita ko din lagi e. Nananadya yan - Raden Rodel Dela Pena"
Larawan kuha mula sa post ni Katrina Macasa |
Larawan kuha mula sa post ni Katrina Macasa |
"Ay naku everyday yan, akala ko mga nag aabang ng bus mga nagyoyosi pala. Sana man lang marunong mag linis ng kalat nila. Mga irresponsible smoker. Tsktsk - Lai Mantilla"
"Typical Pinoy traits! Walang disciplina sa sarili ang mga taong ganyan! Sana mahiya naman kayo sa mga sarili nyo!!! - Gemora Ma Christine Cuenca"
Source: Katrina Macasa | Facebook
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!