Nagbigay na ng updates si 'Tatay Alex' sa kaso nina "Linda" at e-jeep driver - The Daily Sentry


Nagbigay na ng updates si 'Tatay Alex' sa kaso nina "Linda" at e-jeep driver



Larawan mula sa Raffy Tulfo
Sa part 10 ng episode ng programa ng Raffy Tulfo in Action, kinamusta ang kalagayan ni Alexander Grutal, ang matandang inakuhsan ng pambabastos ni alyas "Linda" sa e-jeep. 

Muling bumalik si tatay Alex at kanyang anak na si Xian sa programa sir Raffy upang magbigay ng updates tungkol sa isinampa nitong kaso laban kay Linda at sa driver ng e-jeep na nag-udyok sa babae na 'tirahin' siya.

Ayon sa naging panayam kay tatay Alex, sinabi nitong hindi na niya itutuloy ang pagsampa ng kaso laban sa driver ng e-jeep.

Paliwanag ng mag-ama, nagawa lang daw sigurong sabihin ng driver na "tirahin" dahil hindi naman niya nakita mismo ang nangyari kaya inakala ng driver na nabastos talaga ang babaeng pasahero niya.
Larawan mula sa Raffy Tulfo
Samantala, ang kaso ni Linda ay pinal na at desidido parin si tatay Alex na ituloy upang mapanagot niya ang babaeng nag-akusa sakanya ng pambabastos.

Nagpasalamat naman ang mag-ama sa negosyong ipinagkaloob sa kanila ni Atty. Villamor dahil bukod sa mabilis na paggaling ni tatay Alex ay malaki rin ang kinikita nila sa produktong ito.


Sunod-sunod naman ang dumating na biyaya sa pamilya ni tatay Alex matapos ang nangyaring gulo sakanila.

Matapos mapanuod ng Cherry Mobile ang hiling ni Xian sa kanyang ama para sa nalalapit na kapaskuhan, binigyan ang mag-ama ng Limited Edition na Raffy Tulfo in Action Cherry Mobile phone.

Matatandaang Octubre 21 nang magmakaawa si Linda at ang ina nito na patawarin na lamang sila sa nagawang pagkuyog kay tatay Alex dahil lamang sa bintang na hindi naman niya ginawa.

Basahin naman ang mga komento ng netizens sa ibaba:
Larawan mula sa Raffy Tulfo
Mary Grace Bornales Camingawan Tama lng na ituloy ang kaso,,,dapat tlga managot ang may kasalanan,,,salamat din at di napuruhan si tatay,,,,pano nlng pala kong mas malala pa don ang nangyari,,,tama lng yan para leksyon na din yan sa mga taong basta nlng nambugbog di muna inaalam ang nangyayari...hay naku....

Bella Abarquez Gulapo good job tatay tuloy mo lang sana hindi ka magsasawang pa balik2 sa korte dahil subrang bagal ng proseso sa dami ng kaso sa ngayon go lang ng go

Garzon Anos Andria nkka sad nmn ung story ni tatay umaasa din kc ko na sana mgbago ang desisyon nya sa kaso naaawa lang ako sa mga taong ndamay sa maling info at sa anak din ni linda sa nanay nya

****