Modus ng panghoholdap sa mga Bus sa EDSA nakuhanan ng video: Nagkakalat parin sila, kunwari commuters - The Daily Sentry


Modus ng panghoholdap sa mga Bus sa EDSA nakuhanan ng video: Nagkakalat parin sila, kunwari commuters



Larawan mula sa Facebook post ni JO Belle
Isang netizen ang nag upload ng isang post patungkol sa nangyaring holdup-an sa isang bus habang binabaybay ang kahaban ng EDSA. 

Nakuhanan ni JO Belle (from Facebook) ng maikling video na kung paano isinagawa ng grupo ang nasabing panglilimas ng pera at mga cellphone sa ilang sakay ng naturang bus.

Kwento niya, hindi mo mahahalatang mga holdaper ang mga ito dahil sa kanilang magaling na pamamaraang pagkukunwaring mga pasahero. Tahimik nilang ginagawa ang kanilang masamang plano sa mga pasahero. Marami ang natulalang pasahero matapos ang pangyayaring iyon at tila sa isang kurap lang ay nawala ang kanilang mga mahahalagang gamit. 

Sa kanyang post, sinabi niyang;


“Beware of this guy pag mga byehing EDSA . Ngkakalat parin sila kunwari commuters para sa digmaan yun pala sasalisi . Actually tatlo sila pero di nahabol ang dalawa na ung kumuha ng wallet nung nakunan at itong nabugbog lang ang nahuli na sya ang kumuha ng phone nung guy," 
 saad  ni JO Belle sa kaniyang post.


Larawan mula sa Facebook post ni JO Belle
"Nakasakay na sya ng jeep pa tenement at buti nahabol na pinasok ulit sa bus at pinagbugbog nung may ari ng phone . #BayanMoIPotrolMo #GMANewsTV #AksyonTV5,”

Marahil ay bihasa na ang mga ito sa ganitong gawain kaya mabilis silang nakasibat palabas ng bus at dali-daling sumakay sa isang pang-pasaherong jeep patungong Tenement at walang anu-ano’y naglaho parang bula.

“PS : nakakahiya sya pa talaga ng mamakawa nung nakunan ng wallet a phone . hahahah 😂 dapat talaga pinapat*y na agad-agad ang mga ganiton tao. Lol ✌️” dagdag niya.

Hindi na bago sa mga Pinoy lalo na 
sa mga nagko commute ang ganitong mga pangyayari, paulit ulit lang na sila’y nangbibiktima ng mga inosenteng tao. At hindi rin sila mahuli huli marahil dahil sa pagiging sanay sa ganitong kalakaran. 


Larawan mula sa Facebook post ni JO Belle
Ilan din sa mga netizens sa Facebook ang nagkomento at nagbigay ng kanilang sentimeyento sa pangyayari. Ang iba’y nagsabi na minsan na nilang naka-engkwentro ang grupong ito at sa parehas din na ruta ng bus.

Ito ang buong Facebook Post ni JO Belle:

Beware of this guy pag mga byehing EDSA . Ngkakalat parin sila kunwari commuters para sa digmaan yun pala sasalisi . 

Actually tatlo sila pero di nahabol ang dalawa na ung kumuha ng wallet nung nakunan at itong nabugbog lang ang nahuli na sya ang kumuha ng phone nung guy . 


Nakasakay na sya ng jeep pa tenement at buti nahabol na pinasok ulit sa bus at pinagbugbog nung may ari ng phone . #BayanMoIPotrolMo #GMANewsTV #AksyonTV5


Larawan mula sa Facebook post ni JO Belle

PS : nakakahiya sya pa talaga ng mamakawa nung nakunan ng wallet a phone . hahahah 😂 dapat talaga pinap*tay na agad-agad ang mga ganiton tao. Lol ✌️

Tignan mabuti ang larawan at baka sakaling maka-harap niyo sila, maaaring ipagbigay alam agad sa mga kinauukulan.

Doble kalbaryo para sa mga kapwa nating Pilipino, na halos araw-araw ay napagdadaanan at pagka-ipit sa tindi ng trapiko sa EDSA, ay mabibiktima pa ng mga ganitong nakakatakot na pangyayari.

Kaya sa panahon ngayon, nararapat na doble rin at pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil walang oras, panahon at lugar ang mga taong may balak na masama sa kapwa.

****

Source: JO Belle | Facebook Post

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you