Iyan ang babala at reklamo ng isang babae matapos umano siyang mabiktima ng isang virtual wallet application na GCash. Ayon kay netizen Ruth Medina Franco, matapos syang mag-invest ng kanyang pera gamit ang GCash app, sunod sunod na ang naging problema nya dito.
"Nung una di ako maka send ng GCash to bank. Then sumunod ayaw na ng GCash to GCash. Tapos ngayon hindi na ko makalog in. Tinawagan ko CS (customer service) nila pinapaikot ikot lang ako ginagawa akong tanga na ilagay ko daw sa Sim 1 yung GCash sim ko," ayon sa post ni Ruth.
Larawan mula sa Facebook |
Dagdag pa niya, "Buong GCash ko yung hindi ma log in. So meaning wala na din access sa GSave/Invest."
Narito ang buong kwento:
"Share ko lang MODUS ni GCash Globe Telecom GCash Care
NEVER EVER use GSAVE or mag stock ng pera sa GCash. Pag nakita na malaki ang laman ng account mo i Bblacklist nila yan for no reason. Di ko alam ano trip ng mga tukmol na to e. Walang abiso na kung ano.
Nung una di ako maka send ng GCash to bank. Then sumunod ayaw na ng GCash to GCash Tapos ngayon hindi na ko makalog in. Tinawagan ko CS nila pinapaikot ikot lang ako ginagawa akong tanga na ilagay ko daw sa Sim 1 yung GCash sim ko.
Yung isa ding account na may pera pero hindi pa na KKYC and WALANG TRANSACTION nasendan ko dati, unintentional kaya nag karon ng funds (3k+php)naiBAN din nila. Ano magiging reason nila jan baket nila binan? fraud? e wala nga transaction and hindi naka KYC.
Now mukhang malabo na makuha yung pera namen 5 digits pa naman at malaking halaga. Ilang months na yung waiting time namen pero wala padin sila sinasabi.
Anyone na may same case samen. PM lang ako. Mag file kami sa GCash Coins PH nga pag nag bban sila binabalik pera. Sila walang pakialam.
Larawan mula sa post ni Ruth Medina Franco |
FYI HINDI LANG AKO YUNG NA BLACKLIST MADAMI KAMI. AND I THINK MAS MADAMI PA. Nailagay ko PS ng mga Private message saken. Konti lang yan. Pero ang daming may PM na same case samen.
Larawan mula sa post ni Ruth Medina Franco |
Larawan mula sa post ni Ruth Medina Franco |
PS Pupunta ko BSP bukas. Post for awareness to na kung malaki yung amount na nasa gcash nyo ilipat nyo na sa bank nyo bago mangyare sainyo to."
Source: Ruth Medina Franco | Facebook