MMDA Chief Bong Nebrija nagalit sa bus driver at konduktor na gumulpi sa isang SCOG member - The Daily Sentry


MMDA Chief Bong Nebrija nagalit sa bus driver at konduktor na gumulpi sa isang SCOG member



Galit na ibinahagi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chief Edison Bong Nebrija ang ginawang panggugulpi umano ng isang bus driver ay konduktor sa isang kasapi ng nasabing ahensiya.
MMDA Chief Bong Nebrija, Bus driver at konduktor / Mga larawan mula Carmudi at Facebook

Ayon sa Facebook post ni Nebrija, pinagsabihan lang umano ng kanilang Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) personnel ang bus driver na umabante pero pinagtulungang bugbugin na raw ito ng bus driver at konduktor.

Saan kayo nakakuha ng tapang para pagtulungan tauhan namin. Grabe kasigaan nitong driver at konduktor na ito, pinagsasabihan lang na umabante, ginulpi na agad SCOG personnel namin. Winner kayo sa lahat ng pasaway!” post ni Nebrija sa kanyang Facebook.

Pasalamat kayo at wala pa kaming bolo!” dagdag nito.

Ayon naman sa report ng ABS-CBN, dinala sa The Medical City ang SCOG personnel na si Arvin Gabay.

"Yung tao nating nagko-conduct ng clearing sa gilid ng Robinsons Galleria sa EDSA, katuwang po natin 'yan sa pagmamando ng trapik. Napansin niya 'yung isang bus hindi umuusad, naghihintay ng pasahero, sinita po niya," sabi ni MMDA EDSA Traffic Operations Officer 2 Jeffrey Torres sa panayam sa DZMM.

Nagkasagutan umano si Gabay at mga suspek hanggang sa babain siya ng mga ito at pagtulungang bugbugin.
 SCOG personnel na si Arvin Gabay / Larawan mula Facebook
  SCOG personnel na si Arvin Gabay / Larawan mula Facebook




"Narespondehan namin pati po ng HPG (Highway Patrol Group) kaya nadampot 'yung driver at konduktor," ani Torres.

Ayon pa kay Torres, driver at konduktor ng Diamond Star bus na may biyaheng Malanday ang mga nambugbog kay Gabay.

"Initial violation is obstruction po. Upon verification, 'yung lisensiya niya expired nga po so driving with invalid license na po," paliwanag ni Torres sa ilang mga kasong isasampa nila sa mga suspek.


***