Mga batang atleta na sasabak sa kompetisyon, isiniksik sa truck para makarating sa paligsahan - The Daily Sentry


Mga batang atleta na sasabak sa kompetisyon, isiniksik sa truck para makarating sa paligsahan



Larawan mula kay James Factor
Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga estudyanteng atleta kung saan ay isiniksik at mistulang sardinas sa isang truck patungo sa provincial meet sa Palawan.

Sa larawang ibinahagi ni James Factor sa Facebook, makikitang siksikan at kumpulan ang mga batang manlalaro sa isang walang bubong na truck patungo sa kompetisyon.

Ang pangyayaring ito ay ibinahagi din ng isang news site na "RMN" kung saan ay umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen.

Ayon sa balita, ang mga atletang studyante ay nagmula pa sa bayan ng Rizal papunta sa lalawgan ng Barataza upang sumabak sa kompetisyon.
Larawan mula kay James Factor
Dahil sa pagkalat ng larawan ng mga bata, kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang nakakaawang sinapit ng mga manlalaro bago sumabak ang mga ito sa kompetisyon.

Nabigay naman ng maikling pahayag ang Information Officer ng DepEd na si Grace Estefano, ayon sakanya ay dapat sa mga ganitong sitwasyon ay mayroong inilaan na pondo ang lokal na pamahalaan para sa mga kalahok na manlalaro.

Kung kaya naman ipinatawag ng kagawaran ang district supervisor sa naturang lugar upang magpaliwanag sa kalunos-lunos na sinapit ng mga mag-aaral na atleta.



Humingi naman ng dispensa si Vice Mayor Norman Ong sa nangyari, sinabi nitong hindi nila agad naasikaso ang bus na gagamitin sana ng mga batang manlalaro.

Nangyari ang provincial meet ng mga batang manlalaro nitong buwan lamang ng Nobyembre 10 hanggang 15.

Dismayado naman ang mga netizens sa sinapit ng mga batang manlalaro, basahin ang mga reaksyon ng taumbayan sa ibaba:
Larawan mula kay James Factor
Aclao Elvie Huwag n kyo magpdala ng mga manglalaro kung hnd nyo man lng kya tustusan mga pangangailangan ng mga bata..... kyo mga magulang hnd nyo n po sana pinapalaro mga anak nyo kng gnito manlng ang mfa situation nila....
Larawan mula kay James Factor
Jhune Dogwe Jan makita kung corrupt ang taong namamahala need investigation and tanggal agad kung proven guilty wala ng second chance kc talagang gawiin nla un.

Alexandrea Montis laki ng pundo nila.. PAg mga opisyal mangangailangan labas pundo pero pag sa mga ganyan kinukuripot nila.. Mga kurap talaga

Roger Melgar Buti pa kami dati 1998 at 1999 mini bus na service namin, malamang sa lugar dyan gahaman mga incharge dyan

Fe Soriño Lagasca Politiko ang magtravel doon pa sa business class. pero ang mga batang atleta magtravel sa truck ginawa nlng baboy ang bata.

****

Source: RMN