Makabagbag-damdamin ang sitwasyon na nasaksikhan ng isang babae sa Philippine General Hospital o PGH noong sya ay pumunta dito para magpa-lista ng kanyang check-up.
Kahit na hindi na bago ang mga ganitong pangyayari, hindi pa rin maiwasan ng marami ang mahabag sa mga katulad nilang kapus-palad na sana ay namumuhay din ng kumportable gaya ng iba.
Lalo pang naging mas masakit sa kalooban ang kalagayan ng mga bata dahil sa kanilang murang edad pa lamang ay nararanasan na nila ang kahirapan gaya nito.
Kwento ni Genelyn Lopez, netizen na nakakita sa mga bata, nakita nya ang mga bata na nasa sahig nang sya ay magpunta sa PGH para sa sarili nyang check-up.
"Habang nagpapalista ako para sa check up ko bukas. Hayss nakakadurog ng puso makitang ganito ang situation nila..", saad nya sa kanyang Facebook post.
Ayon sa kanya, tinanong nya ang mga bata kung bakit sila nasa sahig. Paliwanag umano ng isa sa mga bata, nasa Emergency Room daw ang kanilang tatay na may bone cancer. Nasa labas sila ng ER dahil, ayon sa bata, walang mapag-iiwanan sa kanila at hindi sila pwede sa loob kung kaya sa labas na lamang sila natulog.
"tinanong ko kung bakit sila nandyan, sabi ng isang bata nasa ER dw papa nila may bone cancer, at walang mapagiwanan sa kanila dahil bawal sila sa loob po kaya dyan sila natulog at hindi pa sila kumakaen." ika ni Lopez.
Hindi man direktang binanggit ni Lopez na sya ang bumili ng pagkain ng mga bata sa Jollibee (marahil ayaw nyang ipagmalaki ang kanyang pagtulong), tila 'yun ang ginawa ng good samaritan. Makikita sa picture ang isang plastic ng pagkain mula sa nasabing fast food restaurant.
Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat din si Lopez sa mga guard na hindi nagpalabas sa mga bata sa ospital, bagkus, nagbantay pa sa kanila kahit hindi nila ito tungkulin.
Sa posibilidad na baka ma-bash sya ng ilan dahil sa paga-akalang na-post nya ito para magyabang, paliwanang ng netizen: "Hindi ko to post para ipagyabang bagkus dapat tau magpasalamat kung ano man meron tayo ngayon, at hindi hadlang ang kapansanan, karamdaman at kahirapan para mag-abot ng konting tulong sa kapuwa natin. Lalo na sa higit na nangangailangan.."
Hangad din ni Lopez na marami pang tumulong sa mga batang ito kung kaya nai-post nya ito sa social media.
"Sana mas maraming tulong pa ang magbigay sa kanila." sabi nya.
Nagpaalala rin ang matulunging ginang tungkol sa matibay na pananampalataya sa Dyos.
"May dahilan lahat ng pagsubok natin sa buhay, manalig lang at magtiwala sa kanya. Sa mga gusto pong tumulong paki check or tanong nalang po sila sa PGH CANCER INSTITUTE. Hindi ko na din natanong ang bata dahil natutulala at naiiyak pero pilit nagpapakatatag."
Nagtapos ang kanyang post gamit ang mga hashgatg na #ATM #hope #faith #godslovesus #nohatejustlove #maliitmanmalakipadin #stayhumble.
Tignan dito ang kanilang mga litrato:
Source: Genelyn Lopez