Mga bata, tinulungan si lolo na pulutin ang mga nahulog na butil ng bigas, hinangaan - The Daily Sentry


Mga bata, tinulungan si lolo na pulutin ang mga nahulog na butil ng bigas, hinangaan



Larawan mula kay Archie Hilario / Facebook
Nag-viral sa social media ang pagtulong ng mga batang estudyante sa isang lolo na nahulugan ng bitbit na bigas sa gitna ng kalsada.

Makikita sa video ang hindi pag-aatubili ng grupo ng kabataan na pulutin ang nahulog na bigas ni lolo na kinilalang si Dominador Nading Serrano, 83 taong gulang.

Hindi pa natapos dito ang ginawang kabutihan ng mga estudyante kay lolo Serrano dahil nag ambag-ambag pa sila para makabili pa ng ilang kilong bigas pang-dagdag sa iuuwi ng matanda.

Dahil sa ginawang kabutihan ng mga estudyante ay madami ang humanga sakanila na dapat lamang daw na pamarisan sila ng mga kapwa nila estudyante.

"Good example para sa mga kabataan. Nakaka tuwa napakabuti ng mga batang ito. God bless you mga hijo at hija." 
Larawan mula kay Archie Hilario / Facebook
"God bless you all Manga Bata ang bait ninyo nakkaiyak namak ito c Lolo tinulungan nang Manga Batang mag aaral" 

"Nakaka proud ang mga estudyanteng may ginintuang pusong tumulong.God bless you all kiddos" 

"Proud ako sa inyou mga anak. Sa ginawa ninyong pag malasakit sa matatanda. God bless you mga anak..." 

Ganun pa man, dahil sa pag-viral ng video na ito sa social media, dumagsa ang tulong kay lolo Serrano mula sa netizen.

Napag-alaman kasing kaya ganoon nalang ang pagpulot ng matanda na nalaglag na bigas ay dahil wala siyang maisasaing sa kanyang asawa at anak na paralisado na.

Dahil dito, kahit 83 anyos na at halatang mahina na si lolo ay pilit parin siyang nagbebenta ng gulay sa gabi upang may maipakain sakanyang mga mahal sa buhay.

Malaki naman ang naitulong ng Energy FM na siyang sumubaybay sa kwento ni lolo Serrano.
Larawan mula kay Archie Hilario / Facebook
Binisita ng news anchor ng Energy FM si lolo Serrano sa kanilang tahahan upang ubutan ng tulong.

Binigyan si lolo ng cake, at mga pagkain mula sa Jollibee at pera upang may magamit sila para sa munting negosyo.

Samantala, nagbigay naman ng minsahe si lolo sa mga estudyanteng tumulong sakanya at naging emosyonal ito dahil sa ginawa kabutihan sakanya.

Panoorin ang video sa ibaba:




****