Mga balahura sa daan! MMDA will suspend 1K bus drivers due to excessive violations - The Daily Sentry


Mga balahura sa daan! MMDA will suspend 1K bus drivers due to excessive violations




Larawan mula sa Philippine News Agency


Nag-anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes ng listahan ng humigit 1,000 mga PUB o Public Utility Bus drivers, na nanganganib na masuspinde dahil sa pauli-ulit na paglabag sa batas trapiko.

Ito yung mga dryber na may katigasan ang ulo, wala disiplina sa kalsada, mga barubal magmaneho at gumamit ng kalsada at walang pakundangan sa batas trapiko.

Disiplina sa mga driver

Layunin ng MMDA ay madisiplina at mabawasan ang mga walang disiplinang drayber sa kalsada ng Metro manila.

Ito ay bunsod ng masusing pagsusuri o pag-iimbestiga na ginawa ng MMDA kaugnay sa mga naitalang paglabag ng mahigit 1,700 mga drayber na nakitaan ng di bababa sa 100 mga paglabag bawat bus drayber mula pa noong 2006.

Sa isang komperensya, sinabi ni MMDA general manager Arturo “Jojo” Garcia, matapos ang pagsusuri sa mga paglabag, sila ay makikipagtulungan sa Land Transportion Office, upang mahigpit na  maipatupad ang batas trapiko o mas kilala  bilang R.A. 4136.

“So what we did, pinakuha ko sa database lahat ng may huli ng 2019 kasi 2018 down wala na, so kumbaga, tapos na, hindi na gagamitin,” sabi ni Garcia sa isang press conference sa MMDA Headquarters, Makati City.

“‘Yung 2019, starting today, we will submit to LTO our data for them to study and promise us na magkakaroon ng action, definitely, masususpinde ‘yung drivers,” dagdag pa ni Garcia.


Parusa sa mahigit tatlong paglabag

Ayon sa RA 4136 ay pwedeng masuspinde o makumpiska ang lisensya ng mga drayber na lumabag ng tatlong beses o paulit-ulit sa parehong batas trapiko sa loob ng labing dalawang buwan.

Pag ang driver na may lisensya nagcommit ng tatlong same violation in 12 months, automatic suspended na pala ang lisensya niya for a minimum of one year, up to a maximum of two years,” Garcia said.

Dagdag pa ni Roberto Valera, LTO Field Enforcement Division chief, maari ding ma-revoked o bawiin na ang lisensya ng mga drayber na ma tahasan nang lumabag sa batas trapiko.

"We could even revoke their driver's license perpetually if it calls for that,” sabi pa ni Valera.

Samantala, nakasaad sa Section 27 ng R. A. 4136 ay: “a decision of the (LTO) Commissioner revoking or refusing the reinstatement of a license under the provisions of this Section may be appealed to the Secretary of Public Works and Communications.”

Mahigpit na ipapatupad

Pahayag pa ni Garcia, napagpasyahan na mahigpit nang ipapatupad ang mga batas trapiko matapos ang pagpupulong ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, LTO executive director Romeo Vera Cruz, Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) Traffic Enforcement Unit chief, Lt. Col. Emmanuel Tabuena, and at ibang pang mga opisyal.

Layunin ng LTO na masuspinde ang mahigit isang libong mga drayber ng Pampublikong sasakyan sa taong 2020.
“They will know that this government is very serious in doing our job and pagbigay ng disiplina sa mga motorist.” ani Garcia.

 Merong PHP150, merong PHP500, merong PHP1,000. Malaki yan. Yung mga ganitong driver walang karapatan magka-lisensya 'to (Some fines were worth PHP150, there’s PHP500, there’s PHP1,000. That’s a big sum. This kind of drivers shouldn’t be given a license),” dagdag pa ng opisyal
 Sa dami ng concerns, hindi na napapansin yung mga ganito. Sabi ko nga sa kanila kanina, nag-meeting kami, walang may kasalanan eh. Kung baga, hindi lang napag-tuunan ng pansin (Because of so many concerns, these things were neglected. Like what I said in a meeting, no one was at fault. Everyone just failed to give it the necessary attention),” ani Garcia

Pakikipag ugnayan sa LTO
Upang mapatupad ng maayos ang pagsususpinde sa mga nakarami na nang paglabag, ani Garcia, idadag pa ng LTO ang traffic violations sa database ng MMDA.

 “We are coordinating with MMDA, through GM Garcia, para yung huli din nila, mai include na rin namin sa aming process of suspension (so that their apprehensions will be included in our process of suspension),”  sabi ni Valera.

 “Lahat ng lisensya na may huling more than three sa 2018 and 2019, pinapakuha ko na record namin and ipapasagot sa LTO. Inuna ko lang ang mga bus kasi sila madami (All license holders who have made more than three violations in 2018 and 2019, I’m asking for their records and be made accountable by the LTO. I put PUB drivers on top of the list because there are more of them),” pahayag pa ni Garcia.


Source: PNA