Melai Cantiveros quietly helped Mindanao quake victims - The Daily Sentry


Melai Cantiveros quietly helped Mindanao quake victims






Mga larawan mula sa Facebook ni Jasper Abalos at Melai Cantiveros


Sa nakaraang mga paglindol na naganap sa ilang parte ng Mindanao, kung saan ay madaming gusali ang nasira at ilang mga biktima na nasaktan at napaulat na pumanaw lalo sa bandang Davao at North Cotabato.

Dahil dito, nanawagan ang pamahalaan ng mga tulong at donasyon para sa mga nasalanta, at madami naman agad tumugon sa panawagang ito ng gobyerno.

Iba’t ibang donasyon ang dumating mula sa mga iba’t ibang grupo, NGOs, mga malalaking kumpanya, maging sa mga pribadong indibidwal at gayun din naman ang mga kilalang pangalan sa industriya ng sowbiz. 


Tulong para sa mga kababayang biktima ng lindol

Ang ilan pa nga sa mga sikat na celebrities gaya ay nina Angel Locsin, at Youtube sensation on-line game streamer na si CHoOx, ay di nag-atubiling nagpahatid ng mga donasyon.

Ngunit, mayroon ding celebrities na tahimik na lamang na nagpaabot ng kanilang mga donasyon para sa mga kababayan natin sa Mindanao.

Isa na nga dito ang sikat na komedyanteng actress at TV host ng morning show na  Magandang buhay na si Melai Cantiveros, na isa sa mga talents ng network giant na ABS-CBN.

Ayon sa isang post ng netizen, tahimik lang ang komedyanteng actress sa kanyang pagkawang gawa kaya naman hindi kaagad nabalita ang kanyang ginawa.

Nakilala ang uploader na si Jasper Abalos na nagbahagi ng mga litrato sa mga ginawang donations ni Melai para sa mga kababayang mga taga Mindanao.

Si Melai ay nagmula din sa rehiyon ng Mindanao, mula General Santos City,  kaya naman marahil malapit sa puso ni Melai ang mga kababayang Mindanaoans.

Larawan mula sa Facebook post ni Jasper Abalos


Tahimik na tumulong para sa mga kakabayang nangangailan

Labis na hinangaan ang TV host sa ginawang tahimik na pagtulong, lalo na ng knyang mga kasamahan sa industriya at isa na nga rito ang kasamahang host na si Darla Sauler.

Pahayag ni Darla, hindi sana nila malalaman ang pagtulong na ginawa ni Melai kung hindi dahil sa nag-upload nito sa social media. Pinapurihan  ni Darla ang kabutihan ng puso ni Melai.

Sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay ni Melai at ng kanyang kabiyak na si Jason Francisco, hindi pa din nakalimutan ni Melai na tumulong sa mga mas higit na nangangailan ng mga sandaling iyon.

Si Melai Cantiveros ay nakilala bilang Big Winner ng reality show na “Pinoy Big Brother: Double Up” taong 2009. Muli siyang nagpamalas ng husay sa pagpeperform noong 2015 nang muli siyang nagwagi bilang champion sa unang season ng Filipino version ng sikat na kompetisyon na “Your Face Sounds Familiar”.

Mga larawan mula sa Facebook post ni Jasper Abalos



Source: KAMI