Mekeni hotdog at longganisa samples, kumpirmadong may African swine fever ayon sa BAI - The Daily Sentry


Mekeni hotdog at longganisa samples, kumpirmadong may African swine fever ayon sa BAI





Larawan hango mula sa Remate



Muling kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ang mga Mekeni Food Corporation products gaya ng skinless longganisa at hotdog samples ay positibo na nga sa African Swine fever o ASF.

Nagsagawa umano ng dalawang tests bago kinumpirma ang balitang ito ayon sa report ni Franco Luna ng Philippine Daily Inquirer.

Kaya naman agad nang ni-recall mula sa mga pamilihan nang Mekeni ang kanilang mga produktong may pork dahil nga sa ASF.  *

“This is to ensure that we mitigate the possibility that our products inadvertently become carriers of ASF,” ayon sa opisyal na pahayag ng Mekeni.

Kumpirmado na nga sa pangalawang pagsusuring ginawa

Nauna nang nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) noong Oktubre 24, kaugnay sa mga produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Kabilang sa mga produtong ito ay ang mga processed meat products gaya ng tocino, longanisa at hotdog.

Ayon sa resulta ng laboratory examination na isinagawa ng FDA, nagpositibo ang tatlong brand ng mga processed meat na kasalukuyang binebenta sa mga groceries at supermarket.

Kabilang na nga sa mga napaulat ng mga kilalang meat products ay ang sikat na processed meat brand na Mekeni mula sa Pampanga.

Noong una ay mariing itinanggi ng CEO ng Mekeni na si Prudencio Garcia na lumabas ang pangalan ng kanilang kompanyang sa kabila nang masusi ang kanilang pagpoproseso ng mga produkto sa Pampanga.

Ngunit sa ginawa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry noong October 15, kumpirmado nga na kasama ang Mekeni sa mga nagpositibo sa ASF ayon sa balita ni Maureen Simeon ng Philippine Star.

Nais munang makasiguro ng Mekeni kung paano isinagawa ang pagsusuri at kung saan nakuha ang sample upang matiyak na hindi ito umano "planted" upang siraan lamang ang kanilang kumpanya. *

Samantala agad namang nakipag-ugnayan ang CEO ng Mekeni sa kanilang legal team para sa kanilang mga susunod na hakbang ukol dito. 

Handang makipagtulungan ang Mekeni upang mabilis na masugpo ang pagkalat ng ASF

Handa naman umanong makipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan ang Mekeni para mabilis na matukoy ang pinagmulan ng mga kontaminadong karne.

Nilinaw din naman ng FDA na hindi nakaka-apekto ang ASF sa kalusugan ng tao kung sakaling makakain ito ng produtong kontaminado.

Base sa ulat ng World Organization for Animal Health, ang African Swine fever ay nakaka-apekto lamang sa mga baboy at wala itong masamang epekto sa kalusugan ng mga tao.

Ang ilan sa symptoms ng ASF sa baboy ay ang pagkakaroon ng  high fever, kawalan ng gana sa pagkain, depression, hemorrhages, cyanosis, pagsusuka, diarrhea at bandang huli ay pagkamatay.

Larawan hango mula sa Metro UK


Source: ABS-CBN