Mayor Isko, taos pusong nagpapasalamat sa mga estudyanteng nilinis ang pader na binaboy ng Panday Sining - The Daily Sentry


Mayor Isko, taos pusong nagpapasalamat sa mga estudyanteng nilinis ang pader na binaboy ng Panday Sining



Manila Mayor Isko Moreno | Araullo High School Students

Naglabas ng taos pusong pasasalamat na salaysay si Manila Mayor Isko Moreno sa mga estudyante at mga guro ng Araullo High School sa Taft Avenue, Maynila na silang boluntaryong nagtulong-tulong upang muling linisin at burahin at pinturahan ang pader ng kanilang paaralan na binaboy ng mga militanting grupo ang Panday Sining.

Tila ay dinedma ng grupo ang bantang pagpapadila ni Mayor Isko Moreno sa mga nagpasimuno ng bandalismo sa Lagusnilad underpass nitong makaraang linggo dahil muling nagsulat ng mensaheng pakikibaka ang grupo sa nasabing pader ng paaralan.

Larawan kuha mula sa post

Larawan kuha mula sa post

Walang humpay na nakikiusap at pinaalalahanan muli ng alkalde ang lahat na magkaisa at magtulungan upang ibalik ang malinis at maayos na lungsod ng Maynila.

Ito ang kanyang buong pasasalamat.

Taos-puso pong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagkukusa at pakikiisa ng mga mag-aaral, guro at principal ng Araullo High School na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.


Hindi man nila obligasyon ito, ngunit ikinatutuwa po naming mga taga-pamahalaan ang kanilang pagpapahalaga sa pagsisikap nating lahat na linisin at isaayos ang ating mahal na Lungsod.


Larawan kuha mula sa post

Sa principal ng paaralan at sa mga guro po ng ating mga Grade 10 students na boluntaryong naglinis ng mga pader na binaboy at sinalaula: You are teaching your students very well. We are proud of you.

Muli, paulit-ulit ko pong mensahe sa inyo, buong kababaang loob po akong nakikiusap sa inyong lahat. Matagal na pong napag-iwanang dugyot ang ating mahal na Lungsod. Magkaisa at magtulungan na po tayo sa paglilinis at pagsasaayos ng kapitolyo ng bansa.

Walang magmamalasakit sa ating mga Batang Maynila kundi tayo ring kapwa Batang Maynila.

Manila, God First!

(Photos by K R De Asis/Manila PIO)

#BagongMaynila

***

Source: Isko Moreno Domagoso | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!