Mayor Isko Nilinis ang Bandalismo, “Tingnan niyo kung gaano kahirap, Masaya kayo diba? Art to eh, this is your Art" - The Daily Sentry


Mayor Isko Nilinis ang Bandalismo, “Tingnan niyo kung gaano kahirap, Masaya kayo diba? Art to eh, this is your Art"



Mayor Isko Moreno removing the vandals |Photo credit to his Facebook page
Hindi pa tapos si Manila Mayor Isko Moreno na kastiguhin ang bandalismo at ang grupong nagpinta sa mga imprastraktura sa paligid ng Maynila.

Lunes ng umaga, nilinis ni Mayor Isko ang isa sa mga 'vandals' gamit ang 'paint thinner'. Ngunit, kahit na anong pilit alisin ng Alkalde ang mga sulat sa pader, hindi nabura ang mga ito.






Mayor Isko Moreno removing the vandals |Photo credit to his Facebook page
Galit niyang kinastigo muli ang grupo na responsable sa gawaing bandalismo at sinabing, “Tingnan niyo kung gaano kahirap, ito ang gusto niyo sa gobyerno? Eto ang gusto niyong pagkaabalahan namin, imbes na ang pagkaabalahan namin ay kung paano namin kayo bibigyan ng bahay, paano namin kayo bibigyan ng trabaho, paano namin kayo bibigyan ng gamot, eto ba ang gusto niyong gawin?”

Makikitang sadyang ikinagalit ni Mayor Isko ang paninira sa kanyang lungsod at mas ikinagalit pa diumano ng hindi mabura ang mga ito. Kanyang tinanong ang grupo kung masaya ba ang mga ito sa kanilang ginawa, na pawang naka-perwisyo at nagpahirap sa kapwa at kawani ng gobyerno.

Ayon sa kanya, sa halip na gamitin ang pera sa medisina, edukasyon at pabahay, mapipilitan silang gamitin ang buwis ng mga taga Maynila upang ibili ng panglinis sa paninira ng mga taong namerwisyo dito. Kanya ding binatikos ang mga aktibistang grupo na iginiit na nagpapahayag lamang sila ng sining o 'art' sa ginawang bandalismo sa Maynila.



Mayor Isko Moreno removing the vandals |Photo credit to his Facebook page





“Yung may sakit ang ipapainom ko sa kanila ‘yung ‘art’ niyo? Pagagamot ko sa kanila ‘art’ niyo? Ibibili ko ng pako, semento para maitayo yung bahay ay ipambubura ko lang nito?” ani Mayor Isko.

“Masaya kayo diba? Art to eh, this is your art,” dagdag niya.

Nang tanungin kung may balak ba siyang makipag-usap sa aktibistang grupo, sinabi ni Mayor Isko na hindi niya sasayangin ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa mga ito,at mas gagamitin diumano ang kanyang oras sa mga bagay na mas mahalaga. Diin pa niya na hindi niya nais pakialaman ang grupo pero walang karapatan ang mga ito na sirain ang Maynila.

“What for? Para ano? Para ubusin ko ang oras imbes na bigyan ko ng atensiyon yung mahahalagang bagay na kakailanganin ng taong bayan? Pinakialaman ko ba sila sa karapatan nila? Hindi, malaya kayo sa Maynila, pero wala kayong karapatan babuyin kami,” ani Moreno.



Pinuna rin ng Alkalde ang propesor na nagsabi at nag-giit na ang pagpipinta ng isang pader ay isang anyo ng sining at paraan lamang nila na ipahayag ang kanilang paniniwala sa politika.


Vandalism made by the activist group | Photo credit to Yahoo News
Pagkatapos nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga Pilipino na huwag paniwalaan ang mga aktibistang grupo dahil ginagamit lamang nila ang mga mahihirap upang matupad ang kanilang mga layunin sa politika.

“Mahihirap nating mga kababayan, binobola nila kayo, ginagamit lang nila kayo,” pahayag niya.

Matatandaan na noong Nobyembre 12, ipinahayag ni Mayor Isko ang kanyang pagkadismaya sa 'vandalism' sa paligid ng Lagusnilad underpass, isa sa mga imprastraktura na isinaayos ng kanyang administrasyon.


Napa-balitang inamin na ng grupo ng Panday Sining ang responsibilidad at animoy humingi na din ng tawad, gayunpaman, iginiit nila na ang kanilang ginawa ay isang anyo ng sining at sinabing ipagpapatuloy ang kanilang protesta sa pamamagitan pa din nito.

Sa huli, sa kanyang Facebook post, ipina-abot ni Mayor Isko ang pagkadismaya sa pangyayari ngunit nakiusap pa rin na itigil na ng grupo ang gawain at makiisa na lamang sa hangaring linisin at isaayos ang Maynila.

"Ito po ba ang gusto niyo sa Lungsod ng Maynila? Dagdag perwisyo sa ating mga Manileño?"

"Buong kababaang loob po akong nakikiusap sa inyo, kahit paulit-ulit pa po akong makiusap, hindi po ako mapapagod. Please po, makiisa na po tayo sa ating hangarin na linisin at isaayos ang kapitolyo ng bansa.", pahayag ng alkalde.






Source: Isko Moreno Domagoso