Mayor Isko, magpapagawa nang mala-condo na pabahay para sa mahihirap - The Daily Sentry


Mayor Isko, magpapagawa nang mala-condo na pabahay para sa mahihirap





Mayor Isko Moreno/mga larawan mula sa ABS-CBN atYoutube




Manila, Philippines - May bagong proyekto na naman ang napakasipag na alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na tiyak magugustuhan ng mga maralitang Manilenyo.

Inanunsiyo na nga kamakailang ni Mayor Isko ang pagpapagawa niya ng pabahay para sa mahihirap na walang maayos na matirhan.

Nais ng butihing alkalde na maibsan ang problema ng lungsod sa mga mamayan nitong walang sariling trabaho, at upang makatulong na din sa pagsikip ng trapiko sa ka-Maynilaan.

Disenteng pabahay para sa mahihirap

Inilahad ng batang Mayor kaharap ang mga Manileño sa isang okasyon na hinihintay na lamang nila ang detailed engineering design para masimulan nang maitayo ang 14 na palapag na gusaling pabahay para sa mga mahihirap.  

Ayon sa alkalde, vertical housing program ang panukalang design nito, na may sukat 42 square meter para sa isang disenteng unit kung saan ay may mga kwarto para sa mga magulang at para din sa kanilang mga anak.

Sa pamamagitan ng vertical housing, hindi na mapapalayo pa ang mga Manileños sa kanilang mga lugar ng pag-aaral, trabaho pati na rin ang hanapbuhay

Ang nasabing housing project na ito ay maaring maging isa sa mga solusyon upang hindi mapalayo ang pagrelocate sa mga kababayanan nating walang mga sariling tirahin o yung tinatawag ng "iskwater". 

Planong disenyo ng vertical housing project ni Mayor Isko Moreno/larawan mula sa Manila Bulletin


Matagal ng pangarap ng masipag na alkalde ng Maynila.

Ang proyektong pabahay  na ito ay isa lamang sa mga pinangarap ni Mayor Isko noon pa man para sa kanyang minamahal na lungsod.

Sa katunayan, isa raw ito sa mga dahilan kung bakit halos hindi na siya natutulog. Labis din ang excitement na nararamdaman ni Mayor Isko para sa kanyang mga kababayan.

Dahil sa balitang ito, maraming residente ng lungsod ang na-excite sa proyekto na ito ng kanilang "Yorme".

Tunay nga raw na malaki ang pagbabago sa Maynila ngunit para naman daw ito sa kanilang ikabubuti at ikauunlad sa maayos na pamamaraan.

Ayon pa sa ulat ng KAMI, lumalabas na hanggang limang palapag lang sana ito base sa unang plano ng building, ngunit pinayagan daw si Yorme Isko ng National Housing Authority na gawin ito ng hanggang 14 na palapag.

Ipinagmalaki pa ni Mayor Isko na sabihing may elevator pa ang nasabing gusali kaya naman mala-condo style daw ito.

Labis na ikinagalak ng mga mamayan ng Maynila

Labis na ikinagalak ng naramdaman ng mga mamamayan na kausap ni Mayor Isko, kaya naman sila at nagpalakpakan at nagsigawan.

Dagdag pa niya, tutupadin na lamang din niya ang proyekto kaya itinodo na rin niya ang pagpapagawa nito.*

Mga sususnod pang mga proyekto

Balak naman ipatayo ang nasabing gusali sa isang dating Sports Comlex na proyekto ng dating administrasyon ni Mayor Joseph "Erap" Ejercito Estrada na sa bandang huli ay ginawa na lamang sabungan ng mga taga Tondo.

Nais ni Mayor Isko na mapakinabangan ito ng mga taong higit na nangangailangan ng mas maayos tirahan kaysa naman iilang tao lang ang nakikinabang dito.

Malugod ding ipinahayag ni Yorme Isko na sunod nyang ipapatayo ang isang malinis at matinong slaughter house na kamakailang naging laman ng balita dahil sa maruming pasilidad nito.

Bagong Disenyo ng Vitas slaughterhouse/larawan mula sa Rappler


Si Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ay isang dating basurero bago nadiskubre bilang isang aktor noong 1990's at pumasok sa mundo ng politiko bilang isang Councilor ng Maynila, naging Vice Mayor at sa kasalukuyan ay isa ng alkalde ng Maynila.




Source: KAMI