Mayor Isko inis na at dismayado sa naabutang kadugyotan sa malaking bahagi ng Divisoria: Binaboy nila! - The Daily Sentry


Mayor Isko inis na at dismayado sa naabutang kadugyotan sa malaking bahagi ng Divisoria: Binaboy nila!




Kuha ang lawaran mula sa ibinahaging video 

Nagsagawa ng surprise inspection si Manila Mayor Isko Moreno sa isang malaking parte ng Divisoria at bakas sa kaniyang mukha ang malaking pagkakadismaya sa nakitang sitwasyon ng lugar na puno ng basura na nakakalat lamang sa kalsada.

Matatandaan na ang kahabaang parte ng Divisoria ay isa sa mga unang nilinis ni Mayor Isko nang umupo siya bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Sumailalim sa cleaning at clearing operation ang buong lugar Divisoria upang buhayin muli ang mga dating kalsada na puno ng mga nakabalandrang paninda ng mga vendors upang ito'y madadanan nang muli ng mga taumbyan.

Sa video na ibinahagi mismo sa Facebook account ni Mayor Isko, makikita na nakikipag kamay at nakikipagsalamuha ito sa mga vendors sa nasabing lugar, ngunit di rin maitatago ang nakakapanlumong pagkadismaya nito sa naabutang kadugyotan sa may bahagi ng Ilaya St. Binondo.

Kuha ang lawaran mula sa ibinahaging video

"NAKAKADISMAYA: Matapos bigyan ng pagkakataong mamuhay ang ilang mga vendor sa Divisoria, tambak-tambak na basura naman ang isinukli nito sa taumbayan,"

"Puno ng inis si Manila City Mayor Isko Moreno nang madatnan niya ang malubhang sitwasyon ngayong umaga," saad sa naturang post.

Mariin ding nilinaw ni Mayor Isko ang lumabas na balita na pinapayagan niya na ulet na magtinda ang mga vendors sa Divisoria ngayong Christmas season, kagaya ng dati na halos lahat ay nakaharang na sa daan.

"Tsismis yun. Ngayon ang challenge, wag na yung  salita ko, just go and look around," sagot niya.

"Sabi ko sa inyo, Juan Luna, Binondo, Soler, the entire Recto, are non-negotiable, pag-nabalik mga yan, nalagyan na ako,"dagdag niya.

Pinapaalalahanan din niya ang lahat ng vendors sa Divisoria na hindi pwedeng hindi madadaanan ng mga taumbayan ang perpendicular road at pakisuyo din niyang mag linis sila ng kani-kanilang mga basura.

Kuha ang lawaran mula sa ibinahaging video


"Kanina naumay ako sa dami ng basura sa Ilaya, Binondo, ang penalty hindi na sila makakapagtinda mamaya, lahat sila dun. I'm certain because, sa totoo lang kung hindi lang ako naawa kanila, pati perpedicular road pwede ko namang tanggalin," saad niya.

"Kailangan nilang mag kusang disiplina. Nakakapaghanapbuhay, eh kaso binaboy naman nila. Kahit sino naman siguro sasama ang loob," dagdag niyang sagot.

"Biruin mo inalis ko na ang kutong, inalis ko ang para kay Edi at para kay Pati, hiningi ko lang dalawang lane para makapaghanapbuhay sila, tapos anong ginawa nilang kapalit sa taong-Maynila, Basura? sabi ng Alkalde.

Makikita din sa mga nakaraang video na kahit sa halos hating-gabi ay nagtatrabaho padin si Mayor Isko, kung saan iniinspeksyon niya ang mga ibat-ibang lugar ng Maynila na dati ay tila napabayaan lamang.

Kuha ang lawaran mula sa ibinahaging video

"Ang mensahe ay simple: wala nang mayor na natutulog sa lungsod ng Maynila. Ang Maynila, may gobyerno, umaga, tanghali, hapon, gabi, at hatinggabi – 24/7. Kaya, ingat," saad ng Alkalde nung siya'y nagsimulang umupo sa pwesto.

Umani din ng pagbatikos mula sa mga netizen at mga taga-suporta ng Alkalde at naglabas ng kani-kanilang mga sariling opinyon ukol sa naging sitwasyon muli sa Divisoria.

Ang iba ay nagpaabot ng awa at simpatya para kay Mayor Isko, na ayon sa kanila ay ginawa na ang lahat para sa kanyang lungsod, ngunit kawalang disiplina lamang ang ibinalik.

Hiling ng mga Manilenyo, maging man ng ibang indibidwal na sana tuloy-tuloy na ang platapormang ito ng bagong Alkalde.


Source:  Mayor Isko Moreno | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!