Pinagsamang larawan mula sa Metro Headlines |
Surpresang dinalaw ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga street vendors na kanyang pinabalik sa Divisoria upang magkaroon ng hanap-buhay ngunit nadatnan niya ang lugar na punong-puno na plastik at mga basura sa naturang kalsada.
Dismayado si Isko sa inasal ng mga tindera at tindero sa Divisoria dahil sa halip na matuto ng leksyon ang mga ito ay tila matitigas na talaga ang mga ulo ng mga ito.
Ayon sa video na i-pinost ng Metro Headlines sa kanilang Facebook page, makikita ang pagka-dismaya ng Alkalde sa kanyang nadatnan.
"Basura ng araw, halo ng basura ng gabi. ngayon wala na kayong hanap-buhay, binababoy niyo ang Maynila." Ayon kay Isko
Larawan mula sa Metro Headlines |
"Kahit ano ang awa mo sakanila, walang kusa. naaawa ka sakanila para makapg hanap buhay" dagdag pa nito.
Matatandaang pinabalik ni Isko ang mga street vendors sa Divisoria upang magkaroon ang mga ito ng masayang pasko.
Nagbigay pa ng kundisyon ang Alkalde sa mga street vendors na dapat magkita ang mga ito ng disiplina at kailangan 1 meter by 1 meter lamang ang espasyo ng kanilang mga stalls.
“If people [and vehicles] cannot] pass because [vendors are occupying] the whole street, I will make their Christmas sad. We gave them the opportunity to sell on the condition that they observe discipline,” ayon kay Isko.
Panoorin ang video sa ibaba:
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa ibaba:
Lauro Bael Di magbabago mga nagtitinda diyan.Matitigas Ang ulo niyan.Hiindi mapaki usapan.Ang katwiran niyan magbayad sila ng puwesto nila.Kaya Yong mga basura iiwan ng lang.Bahala na magwawalis diyan..Ganyan ka tamad mga taong nagtitinda.Dapat diyan huwag ng pabalikin sa pagtitinda.Mahi high blood ka lamang sa ugali nila.Kulang sa aral at disiplina.
G-l Jhomz Wag na magpatinda dyan puro dogyot yong mga nagtitinda dyan... bibigyan mo na nga ng pagkakataon pero binababoy pa rin nila... may mga public market don na lang sila bumili at magtinda
Alvin D Mendoza See...jan mo makikita..khit ano gawing pagbabago...ng gobyerno...kung tayo mga mamayanan...ayaw magbago...di wala rin...tpos tayo pa may lakas mag reklamo
****