Pinagsamang larawan mula sa news.mb.com.ph at CNN Philippines |
Upang maging masaya ang kanilang Pasko, pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno na muling makabalik ang mga street vendors sa Divisoria.
Ayon sa mga dating nakapwesto sa Divisoria, malaking pasasalamat nila kay Mayor Isko dahil malaking tulong daw umano ito sakanila lalo na't magpapasko.
Ganun pa man, nagbigay ng mga kundisyon si Mayor sa mga maliliit na negosyante sa lansangan ng Divisoria at kailangan nila itong sundin.
Ayon sa mga kundisyon ng alkalde, ang lawak ng espasyo ng kanilang ookupahan ay dapat 1 meter by 1 meter ang sukat ng kanilang stalls.
Larawan mula sa newsinfo.inquirer.net |
Inaasahan ni Mayor Isko ang mahigpit na pagsunod ng mga vendors sa ilang kundisyon nito upang sa ganun ay maging masaya rin sila sa kanilang kikitain sa paparating na Pasko.
“If people [and vehicles] cannot] pass because [vendors are occupying] the whole street, I will make their Christmas sad. We gave them the opportunity to sell on the condition that they observe discipline,” ayon kay Isko.
Sa ngayon ay nauna nang nagpatayo ng stalls ang mga street vendors sa may Carmen Planas, Tabora Street at sa Ilaya Street.
Sa ngayon ay nauna nang nagpatayo ng stalls ang mga street vendors sa may Carmen Planas, Tabora Street at sa Ilaya Street.
****
Source: newsinfo.inquirer.net