Kabutihan ng isang Grab Driver, nailigtas ang buhay ng bata: Salamat, isa kang Anghel - The Daily Sentry


Kabutihan ng isang Grab Driver, nailigtas ang buhay ng bata: Salamat, isa kang Anghel



Photo grabbed from Rowell's post


"Isa kang Angel na pinadala samin ni God nung gabing yun." - Anjo Rowell

Sa panahon ngayon, alam na ng karamihan ang madalas na pagkakasangkot sa kaguluhan ng mga driver sa pampasaherong jeep, bus, taxi cab o ng kahit pa sa Grab car service man.

Nasasangkot din ang iba mula sa pamimili ng kanilang isasakay na pasahero, sa layo at lugar na pupuntahan, at ang iba'y nangongontrata pa na sa kanilang mga pasahero.


Malasakit sa kapwa


Ngunit ang lahat ng mga negatibong paningin na ito ay pinatunayan sa isang viral post ngayon sa social media na isa sa mga naging pasahero ng grab driver na mas marami padin sa kanila ang may malasakit at hangad lamang ang maayos na serbisyo at kapakanan ng kanilang mga pasahero.


Sa Facebook post ni Anjo Rowell, lubos at di mapantayang pasasalamat niya sa hulog ng langit na grab driver na si Mr. Ellys Ramos Bacar, na nagdala sa kanila sa ospital dahil sa isang emergency na nangangailangan ng agarang lunas para sa kanilang anak.


Grab Cars | Photo from Philstar

"Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past 10pm. nagbook kami bound to FEU kasi ung panganay ko nangingitim na ung kuko sa taas ng lagnat." kwento nito.

"Sir Taos puso kaming nagpapasalamat sau. Naway gabayan ka ng Diyos at bigyan ka pa ng Maraming Blessings! God Bless You! Dahil sau boss nailigtas ang buhay ng anak ko!."


Basahin ang buong salayasay:

Shout out po para kay
Sir ELLYS RAMOS BACAR ng Grab!
Plate number BOJ387


Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past 10pm. nagbook kami bound to FEU kasi ung panganay ko n@ngingitim na ung kuk0 sa taas ng l@gnat. on our way nagrequest kami ng change route to Providence Hospital sa Q.Ave. sabi nyo "Sige po walang problema" paki usap pa namin kng pde ung pinaka mabilis na route kasi Emergency. agad ka nag sign ng hazard at mabilis mo kami dinala sa Providence Hospital. 

In a matter of 30-45mins. from North Caloocan to Q.Ave nagawa natin. inabutan kita ng P500 pero ayaw nyo tangapin. sabi ko "sige na Sir pang gas nyo nlang po" sagot nyo sakin " sige na po gamitin nyo nlang sa anak nyo" 

Isa kang Angel na pinadala samin ni God nung gabing yun.

Pag dating namin sa ER, under ANAPHYLACT!C SH0CK na pala anak ko, nag epinephr!ne agad, 0xygen at ster0ids... naging mahaba ang gabing yun para samin. Dahil sau boss nailigtas ang buhay ng anak ko!

Sir Taos puso kaming nagpapasalamat sau. Naway gabayan ka ng Diyos at bigyan ka pa ng Maraming Blessings! God Bless You!

Kung may nakakakilala po sa kanya paki sabi MARAMING MARAMING SALAMAT!

***

SourceAnjo Rowell | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!