Magtotropang estudyante, viral sa social media matapos ang kabutihang ginawa nila sa bata - The Daily Sentry


Magtotropang estudyante, viral sa social media matapos ang kabutihang ginawa nila sa bata



Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III

Umani ng nag-uumapaw na papuri at paghanga ang kabutihang ipinakita ng isang grupo ng mga estudyanteng kabataan sa isang bata na nakita nila sa lansangan habang pauwi galing sa eskwela.

Sa ibinahaging post ni Thirdy Echenique Dela Torre III, ikinuwento niya kung paano nila nabigyan ng sobrang kaligayahan at pag-asa ang isang bata na sa kahit ano pang kinakaharap na paghihirap nito ay patuloy parin sa pagsusumikap sa pag-aaral.

"Kanina habang pauwi kaming magtotropa nagkayayaan kami na bumili ng KFC (Kanto Fried Chicken) then pagkatapos namen bumili habang paalis na kami nNakita namen tong batang to na kumuha ng stick tapos nagabot ng 4 pesos sa nagbebenta den kita ko sa mukha nya na gutom na gutom na sya tapos sobrang dumi ng damit nya at isa pa pumapasok sya sa school ng walang tsinelas," saad niya sa kanyang Facebook post.

Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III


Sa nakitang sitwasyon ng mag-totropa, biglang silang nakaramdam ng kirot sa damdamin kaya agad nilang kinuha ang inabot na bayad ng bata at ibinalik sa kanta at sila na ang bumili ng marami para dito.

Ambag-ambag din nilang binilhan ng tsinelas at puting damit na pampasok ang bata. Binilhan na din nila ito ng laruang gusto niya.

"Nakakainis lang isipin na yung iba dyan nagrereklamo kesyo luma na daw yung ganito nya luma na daw yung ganyan juskoooo nagiinarte kapa buti nga ikaw may ganyan ka eh apakablessed mo na kayaa kung alam mo lang," dagdag niya.


Ito ang buong kwento na ibinahagi ni Thirdy Echenique


Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III
Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III

Kanina habang pauwi kaming magtotropa nagkayayaan kami na bumili ng KFC (Kanto Fried Chicken) then pagkatapos namen bumili habang paalis na kami nakita namen tong batang to na kumuha ng stick tapos nagabot ng 4 pesos sa nagbebenta den kita ko sa mukha nya na gutom na gutom na sya tapos sobrang dumi ng damit nya at isa pa pumapasok sya sa school ng walang tsinelas💔😢 

nalungkot lang ako bigla naawa na den kaya ayun binalik namen sa kanya yung binayad nya na pera tapos binili pa namen sya ng madami. 


Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III

Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III


Binilhan na den namen sya ng tsinelas tsaka damit na pampasok(white tshirt) para may magamit sya sa pagpasok nya. Nakakainis lang isipin na yung iba dyan nagrereklamo kesyo luma na daw yung ganito nya luma na daw yung ganyan juskoooo nagiinarte kapa buti nga ikaw may ganyan ka eh apakablessed mo na kayaa kung alam mo lang. 



Then pagtapos namen sya pakainin tsaka bilhan ng damit at tsinelas.

 naglakad na kami para ihatid sya tapos may nakita syang bata na may hawak na laruan then tinanong namen sya kung anong gusto nyang laruan sabi nya bola daw kaya ayun binilhan na den namen sya ng bola kahit papaano hehe hayaan mo molten na sa susunod yan makaluwag luwag lang si kuya okay? 

Alam ko kasi yung feeling na bata ka tapos yung ibang bata may laruan tapos ikaw wala kaya ayun hehe😅 Nakakataba ng puso kapag nakakarinig ako ng "Thank you" galing sa maliliit na boses ng mga bata.❤


Larawan kuha mula sa post ni Thirdy Echenique Dela Torre III

Hindi naman masamang tumulong diba? Ishare mo kung anong meron ka. Then pagpapalain ka pa ni God dahil sa simpleng kabutihang nagawa mo😇❤

Salamat sa mga tropa ko na sumuporta pati nagbigay ng konting tulong hehe dabest kayo mga papi✌👅


Ps. HINDI KO PINOST TO PARA MAGPASIKAT OR ANO MAN HA PINOST KO TO PARA MAGING BUKAS TAYONG TUMULONG SA KAPWA LALO NA SA MGA BATA✌👏❤


***

Source: Thirdy Echenique

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!