Magkasintahan Tinawid ang Putik, Baha at Ilog, Matuloy lang ang Kasal! - The Daily Sentry


Magkasintahan Tinawid ang Putik, Baha at Ilog, Matuloy lang ang Kasal!



Photo: Joy Ann Fernandez Baquilar Facebook page.
Kahit maputik at mataas ang baha ay hindi nagpatinag ang magkasintahang taga San Isidro sa Toboso Negros Occidental na matuloy ang kanilang pagiisang-dibdib.

Nag-viral ang bagong kasal na sila Joey Nuñez at Gina Cañete matapos lumabas ang mga larawan nila noong nakaraang buwan na nakadamit pangkasal habang tinatawid ang hanggang tuhod na maputik na ilog at tubig baha



Photo: Joy Ann Fernandez Baquilar Facebook page.


Photo: Joy Ann Fernandez Baquilar Facebook page.
Ang mga larawang ito ay kuha noong October 26 na inupload sa Facebook ng pamangkin ni Gina na si Joy Ann Fernandez Baquilar. At mula noon ang nasabing post ay umani ng ibat-ibang reaksyon galing sa mga netizens at ibinahagi din diumano ng ilang media outfits.

Sa kanyang post, binati ni Joy Ann ang bagong kasal at inihalintulad ang pagmamahalan ng mga ito sa baha at ulan.





Screenshot of Joy Ann's post | Credit to her Facebook page

"Ang kanilang Pag ibig ay parang baha at ulan din hindi rin mapipigilanIto talaga ang tunay na nagmamahalanCongratulations both of you tita." Ani Joy Ann.

Ayon diumano mismo sa bride na si Gina, hindi niya inakala na susuong sila sa baha sa araw ng kanilang kasal dahil maganda naman daw ang panahon noong araw bago ang kasalan. Ngunit sumapit ang dilim ay bigla na lamang lumakas ang ulan at nagbaha na nga ng tuluyan. 

Dahil maputik at mataas ang tubig ay hindi diumano nakadaan ang sasakyan na sana ay gagamitin nila papuntang simbahan. Dahil diyan ay nilusong na lang nila ang tubig-baha upang makarating ng mas mabilis sa simbahan.




Kwento din diumano ni Joy, na siya ring bridesmaid sa kasal, mayroon namang tulay na maari sana nilang madaanan ngunit malayo ito at matatagalan ang paglalakad. Sa makatuwid, ang pinakamabilis na paraan ay ang simpleng paglalakad sa ilog.


Photo: Joy Ann Fernandez Baquilar Facebook page.


Photo: Joy Ann Fernandez Baquilar Facebook page.
Nagulat daw ang pari nang makita ang ayos nila Gina at Joey na suot ang basang kasuotang-pangkasal, ngunit kanila na lamang ipinaliwanag ang nangyari at nag-paumanhin dahil hindi sila nakarating sa tamang oras ng seremonya. 

Pero kahit kalbaryo ang kanilang pinagdaanan, happy ending pa rin ang uwian at natuloy ang kasalan!

Ain’t No River Wide Enough and Love conquers all, ika nga! 





SourceCoconuts ManilaJoy Ann Fernandez Baquilar