Mga kabataang tumulong sa lolong may alzheimer, inulan ng papuri mula sa mga netizens - The Daily Sentry


Mga kabataang tumulong sa lolong may alzheimer, inulan ng papuri mula sa mga netizens



Sino ang mag-aakala na ang grupo ng isang kabataan ay magdadamayan upang tulungan ang isang matandang hindi naman nila kakilala o kaano-ano.
Tatay Alfredo Corazon / Image mula sa post ni Ivan Azada

Pumukaw sa damdamin ng mga netizens ang Facebook post ng isang kabataan mula sa Barangay 133, noong November 3. Sa kwentong ibinahagi ni Ivan Azada, tinulungan nilang magkakaibigan ang isang matandang lalaki na may sakit na alzheimer. 

Ayon sa post ni Azada, ilang araw na umano nilang nakikita si tatay Alfredo Corazon sa court kung saan sila naglalaro ng kanyang mga kaibigan. Dahil naaawa na sila sa matanda ay tinulungan nila ito.

Sa mga larawang ibinahagi ni Azada, makikita ang mga plastic straw na nakatali sa paa at hita ni tatay Alfredo dahilan upang magkaroon siya ng sugat. 

sobrang higpit ng pagkakatali mo dito tay, solid kasi may basahan pa
 hirap na hirap po kami dito skl hahaha

nagulat kami kasi habang tinatanggal namin yung tali niya sa paa napansin namin 'to, mayroon ka pa pala sa hita tatay alfredo huhuhu
ang kapal ng tali ni tatay nakakatakot hays

pasintabi po ng mga kumakain at maseselan, nakulob po kasi yung sugat niya kaya nagkaganyan
paghubad namin ng damit nakita namin na may tali pa din yung baywang niya, mahigpit din so tinanggal po namin ulit

Pinaliguan at binihisan rin ng magkakaibigan si tatay dahil madumi at hindi narin umano maganda ang amo’y nito.
pinaliguan na po namin siya dahil hindi na maganda ang amoy ni tatay, madumi na din yung katawan niya

Ang kanyang mga sugat sa hita ay ginamot narin nila.

Si tatay Alfredo ay nakatira sa Tondo, Manila, ito ay ayon sa isang ID na nakasabit sa kanyang leeg.
at nakita namin 'to na nakasabit sa kanyang leeg

Narito ang kanyang buong post:

“Ito si tatay Alfredo na nakita namin sa court ng Brgy 133 kung saan kami naglalaro, ilang araw na siyang nandoon kaya minabuti na naming tulungan siya sa kanyang kalagayan. Habang tinatanggal namin ang mga tali sa kanyang katawan tinatanong na din namin kung saan siya nakatira at kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Siya ay may Alzheimer's at mabilis makalimot ayon sa kanyang ID, tinulungan namin siya sa abot ng aming makakaya at nag-ambag-ambag kami ng mga kabataan upang makatulong kay tatay Alfredo Magmula sa pagkain hanggang sa susuotin ni tatay. Pinost ko po ito para po mas dumami yung tumulong sa kanya, hindi man po sa material na bagay o pinansyal ipagdasal po natin siya na maging maayos ang kanyang kalagayan at ang kanyang buhay. God bless you tatay Alfredo.”

nakita namin 'to sa bulsa ni tatay, 313 pesos so tsaka lang namin nalaman na hindi siya gumagastos siguro nga dahil sa sakit niya kaya nilagay namin sa isang plastic at ibinigay ulit kay tatay

ito na po si tatay ngayon, feeling fresh salamat kay lj, jethro at sedgwick na nagdonate ng damit kay tatay alfredo

sinuot namin yung ID niya ulit para kung mawala man siya may pagkakakilanlan pa din siya.

at ginamot po namin yung kanyang sugat at binendahan

sa wakaaas!! naibalik na po namin siya sa kanyang tinitirhan, bagamat hindi namin alam kung ano talaga ang buay niya doon salamat pa din kasi kahit papaano ay nakatulong kami kay tatay.

Umani naman ng sari't-saring papuri mula sa mga netizen ang ginawang kabutihan ng magkakaibigan.