Diring-diri ang isang lalaki nang nakitang may kakaiba sa kinakaing street food - The Daily Sentry


Diring-diri ang isang lalaki nang nakitang may kakaiba sa kinakaing street food



Litrato mula kay Rhonwen Galinato
Ang chicken nuggets, betamax, kwek-kwek, isaw, at chicken skin ang ating mga pinakapaboritong street foods. Ang mga ito ay madalas nating nakikita sa mga kalye sa Pilipinas at gustung-gustong kinakain ng mga Pinoy dahil bukod sa ito ay mura, ito din ay masarap at talagang nakakabusog.

Sa kasalukuyan at kahit noon, ang mga street foods ay isa din sa mga popular na pagkain ng mga nasa lower at middle class ng society.

Siguro, mayroong ibang tao na hindi kumakain ng mga street foods dahil na rin sa kakaibang lasa at itsura nito. Ngunit, kahit na ang mga ito ay kakaiba, ang mga street foods pa din ay talagang masarap at talagang hahanap-hanapin mo kapag ito ay natikman mo na.


Pero sa ganitong klaseng pagkain ay dapat pa ring mag-ingat dahil karamihan o halos lahat ng streetfoods ay matagal na nabababad sa iba't ibang uri ng airbone elements.

Katulad na lamang ng kwento ng isang netizen na si Rhonwen Galinato na kung saan ay ibinahagi niya kung gaano kairesponsable ang ginawang preparasyon ng binili niyang street food. Makikita sa mga larawan ang maraming uod sa kaniyang biniling isaw.

Ayon din sa kanya, napansin na lamang niya ang mga maggots nang siya ay nakarami na ng pagkain.

"Nakakadiri.. saka lang napansin nong nakarami na.. Lahat po ng nagbebenta ng barbecue..tignang maigi poh lahat ng benibenta nio...takpan ng maigi para hnde dapoan ng langaw..."

Litrato mula kay Rhonwen Galinato
Litrato mula kay Rhonwen Galinato
Nagbabala si Rhonwen sa mga mahilig kumain ng streetfoods na tingnang mabuti ang mga binibili sa kalye.

"Lesson: tignang maige lahat ng kinakain at binibili.. grabi nakakasuka... last nato dina ako bibili pa ng kahit anong barbecue.."

Ang pagkain ng maduming street foods ay maaring magdulot ng sakit. Kaya pinaaalahanan lahat ng mga nagbebenta na sa maayos ang paraan ng pagpeprepara ng mga ito.

Source: Rhonwen G. Galinato / Facebook