Isang lola ibinunyag ang sikreto kung bakit siya nakaabot sa edad nya na 122 - The Daily Sentry


Isang lola ibinunyag ang sikreto kung bakit siya nakaabot sa edad nya na 122



Masigla pa si Lola Francisca sa edad na 122
Ang pagkakaroon ng mas mahaba pang buhay ay isa sa mga ninanais nating lahat. Tanging hiling lang natin palagi ay ang magkaroon ng mas mahaba pang buhay upang sa gayon din ay mas makasama pa natin ng mas matagal at makapag-bonding pa tayo sa ating mga mahal sa buhay.

Ngunit, sa paglipas ng ating henerasyon, unti unti na ding bumababa ang lifespan ng isang tao dahil na rin sa lifestyle na mayroon tayo ngayon at sa mga kinakain at mga bagay na ating ginagawa. Ngunit alam niyo ba na sa Pilipinas nakatira at namumuhay ang maituturing na pinakamatandang tao sa buong mundo.


Sa ngayon, hindi pa naitatala ang pangalan nito sa Guiness Book of Records at kasalukuyan pa ring nakatala sa oldest living person sa buong mundo na si Kane Tanaka, 116 taong gulang na mula sa Japan.

Ngunit, ang lola na ito na nakatira sa Negros ay 122 taong gulang na kung saan naungusan na niya ang nakatala sa Guiness Book of Record, ilang taon na ang nakakalipas.

Ang lola na ito ay si Francisca Susano na ipinanganak sa Karul-an Kabankalan, Negros Occidental noong September 11, 1897. Alam niyo din ba na dinatnan na din ni Lola Francisca ang lahat ng naging Presidente sa Pilipinas mula kay President Emilio Aguinaldo, na siyang naging unang presidente sa Pilipinas, hanggang kay President Rodrigo Duterte, na siya namang kasalukuyang presidente ng bansa.

Si Lola Francisa / litrato mula kay Helen Cachero

Si Lola Francisa / litrato mula kay Helen Cachero
Si Lola ay kamakailan lamang na kinilala sa kanilang probinsya at ito din ay nakatanggap ng isang certificate bilang oldest person sa Negros Occidental.

litrato mula kay Helen Cachero

litrato mula kay Helen Cachero

litrato mula kay Helen Cachero
Mayroon din namang ilang may katungkulan ang tumulong sa kaniya upang makumpleto na niya ang mga requirements na kakailanganin sa pagpapasa ng dokumento sa Guinness Book of World Records upang maitala na ang kaniyang pangalan doon.


Ayon kay lola Francisca, simple lang ang kanyang sikreto sa mahabang buhay at ito ay ang pagkain ng gulay. Paborito daw ni lola ang "laswa" o sa ibang tawag ay bulanglang o dinengdeng. Dagdag niya, hindi raw siya mahilig sa pagkaing may preservatives. Healthy living ika nga ni lola Francisca at samahan na rin ng prutas at pag-inom ng maraming tubig.

Source: Explore Negros / Facebook