Lola at anak na may deperensiya tinanggihan at pinababa ng Taxi driver sa kasagsagan ng ulan - The Daily Sentry


Lola at anak na may deperensiya tinanggihan at pinababa ng Taxi driver sa kasagsagan ng ulan



Lola Geralda Altamosa at ang kanyang anak | Taxi Driver Norman Inojado

Katanggap-tanggap kaya ang katwiran ng taxi driver?

Mainit sa social media ang isang Taxi driver na tinanggihang ihatid at pinababa ng sasakyan ang isang Lola at ang anak nitong may kapansanan habang bumubuhos ang malakas na ulan sa Cebu City. 

Sa video na nag nagviral, ito'y kuha sa isang Taxi driver na kinikilalang si Norman Inojado ng pababain niya ang isang 88-anyos na matanda na si Geralda Altamosa at ang kasama nitong babaeng anak na may kapansanan.

Dali dali nitong inutusan ang dalawa na bumaba sa kanyang sasakyan kahit pa napakalakas ang buhos ng ulan.

Isinalaysay ni Lola Geralda na nagpapahatid sila ng kanyang anak sa Barangay Basak Cebu City at babayaran naman niya ng extra charge bukod sa kanilang magiging pamasahe. Ngunit, todo tanggi parin ang driver hanggang humantong sa pagpapababa sa kanila.

Lola Geralda Altamosa | Larawan mula sa GMA

'Sobrang lakas talaga ng ulan. Kaya pagdating namin sa bahay, basang-basa kami. Tinanong kami anong nangyari,' sambit ni Lola Geralda kahit na masama ang pakiramdam nito, na nagkalagnat dahil sa nabasa ng ulan.

Inimbitihan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 7  ang driver na si Norman Inojado at ang operator nito mula sa Dr. J Taxi ng makarating sa kanila ang sumbong upang mapagusapan ang nasabing viral video. 

Inamin naman ni Norman ang kanyang ginawanag pagkakamali dahil natakot daw ito na baka lubugin ng baha ang Taxi dahil sa malakas na ulan.

"Natatakot akong malunod Sir dahil responsibility namin kung masisira ang sasakyan. Bago pa kasi ito," saad ni Norman

Nag-sorry naman ang pamunuan ng Dr. J Taxi kay Lola Geralda. 'Humihingi na ako ng tawad pero kung hindi nila kami mapapatawad, sasagutin namin,' saad ni Dr. Jose Arranguez.


Taxi Driver Norman Inojado | Larawan mula sa GMA

Pinagmulta naman ng LTFRB na tig-10 libo si Norman at operator nito at pinaaalalahanan ang lahat ng Taxi drivers na bawal na bawal sila tumanggi sa mga pasahero.

'May basic obligation tayo na hindi pwedeng tumanggi dahil public convenience tayo so hindi tayo pwedeng mamili ng pasahero kasi taxi tayo. We have a basic obligation na dapat courteous tayo sa mga pasahero. That applies to all public utility vehicle,' saad ni Edwin Antipuesto, hearing officer of LTFRB Region 7.

***

Source:  GMA News


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!