CFJI founder na si Pastor Apollo Quiboloy / larawan mula sa Children's Joy Foundation Inc |
Naging pulutan naman ng mga netizen sa social media ang komento ni Pastor Apollo Quiboloy patungkol sa nangyaring pag lindol sa dakong Mindanao, lalo na sa Norte ng Cotabato at karatig probinsya nito.
Ayon sa kumakalat na video mula sa YouTube na inupload noong October 30, 2019, sinabi ni Quiboloy na noong lumindol ay nasa kwarto siya at kanyang sinabi na "Lindol stop" kung saan huminto din umano ang lindol.
Magpasalamat at napahinto ang lindol
“Noong lumindol ng 6.6 (magnitude), nandoon ako kahapon, nandoon ako sa kwarto ko, sabi ko ‘lindol stop, umi-stop’” Ayon sa pastor
Sinabi rin ni Quiboloy na dapat ay magpasalamat sa kanya dahil kanyang napahinto ang pag lindol, kung hindi, tiyak na may mamamatay.
“Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo" aniya
Sinigawan ang lindol
“Sinigawan ko ‘yung lindol, noong gumanon na ‘yung mga chandelier ko, ‘stop!’ sabi ko, stop kaagad" dagdag pa ni Quiboloy na self-declared na “Appointed Son of God”
Naging kontrobersyal din si Pastor Quiboloy noog kanyang sabihin na siya ang dahilan kung bakit nanalo bilang Miss Universe 2018 si Catriona Gray.
“Hindi totoo na nagkataon lamang na siya ay Miss Universe at ako ang God of the Universe. Kalooban ko na mangyari na siya ang manalo. May direct hand ako diyan. Dahil sa akin na God of the Universe kaya nanalo si Catriona,” aniya.
Kinoronahan bilang Miss Universe si Catriona Gray noong 2018 / larawan mula sa ABS CBN News |
Source: Cebu Daily News