Larawan kuha mula sa post ni Ralph Tiozon Quito |
Dahil sa sobrang kahirapan ng buhay, kahit ang dobleng kayod at sipag kalabaw ng mga magulang upang maitawid ang buong maghapong pangtustos sa pamilya ay minsan hindi na sapat, kaya't napipilitan din ang karamihan sa kanila na sa kahit pa sa musmos na gulang ng mga anak ay kumakayod nadin upang makatulong at mabuhay.
Tulad nalang ng isang nakakaantig at nakakadurog damdamin na mga larawan na ibinahgi ng isang netizen na si Ralph Tiozon Quito, kung saan nakuhanan niya ang isang batang lalaki na nakasabay niya sa isang pampasaherong jeep.
Larawan kuha mula sa post ni Ralph Tiozon Quito |
Ayon din sa post, pinapahayag ni Quito na sa panahon nagyon, minsan di na mahalaga ang edad sa paghahanapbuhay ang mas importante ay ang mabuhay na marangal.
"Di na mahalaga ang edad...👌 Mabuhay ng marangal at parehas yan ang dapat...," saad niya.
Dagdag niyang di niya masisisi ang bata na kahit sa murag edad at isipan ay nakuha ng magbanat ng buto kung ito man ay kanyang kailangan.
"Alam kong may mga magulang ka bata.. pero di ka rin pwede sisihin kung talagang kailangan mo yan....," dagdag niya.
"Maliit man,basta marangal..Huwag natin sisisihin ang Dios sa kahirapan na atin nararanasan. Minsan ang tao rin ang gumagawa dahilan sa kanyang nararanasang kahirapan..Nkaka proud yong bata, sa murang edad,at dala ng kahirapan natototong mag banat ng buto...
Yong iba,dyan gustong magkapera sa maruming paraan..nagtitinda ng shabu,nagnanakaw,kahit kaluluwa ibinibenta kay satanas, magkaron lang ng pera at yumaman...," - Maluna Mayang
Larawan kuha mula sa post ni Ralph Tiozon Quito |
Ito ang kanyang buong post:
Di na mahalaga ang edad...👌
Mabuhay ng marangal at parehas yan ang dapat...😉
Alam kong may mga magulang ka bata.. pero di ka rin pwede sisihin kung talagang kailangan mo yan....
Pag palain ka ng ating Ama na nasa itaas... 🙏🙏🙏
Laban lang kid... wag susuko sa hapon ng buhay... 💪👍❤
#Saludoakosaiyobata
***
Source: Ralph Tiozon Quito
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!