Mga larawan mula sa Facebook ni Racel Diola Melargo at hanep TV |
Marami pa rin ang naantig sa isang post ng netizen na si Racel Diola Melargo noong 2018 sa
social media kung saan ay pinakita niya ang taos pusong pagtulong sa kapwa kahit siya mismo ay salat din sa buhay.
Ayon sa post ni Racel, isang security guard,
labis ang kanyang habag sa kalagayan ng mag-aamang naligaw sa San Pablo, Laguna.
Ayon pa kay Racel, nilapitan daw sya ng isa sa mga bata at
nagtanong ito kung saan ang papuntang Lipa, Batangas.
Bakas ang lungkot
dahil sa pagod at gutom
Tila malungkot ang bata at bakas ang pagod at marahil gutom na
din dahil sa malayong paglalakad nilang mag-aama.
Hindi na naiwasang mag-usisa ni Racel sa bata, kanya nang
nilapitan ang kanilang ama, at ayon sa tatay, sila raw ay papunta sa Lemery,
Batangas.
Napag-alaman din ni Racel na naglalakad daw ang mag-ama
dahil wala na daw silang pera pamasahe at maging pambili ng pagkain.
Galing sila ng Maynila, mali ang kanilang nasakyan kaya nakarating
sila sa San Pablo, Laguna na sana ay sa
Lemery, Batangas ang kanilang patutunguhan.
Mula San Pablo ay matyaga nilang nilakad papunta sa Tanauan,
Batangas upang makarating paunti-unti sa kanilang pupuntahan.
Dahil wala na silang
pera, tatlong araw nang naglalakad at nanghihingi na lamang sila sa mga canteen
ng pagkain upang maibsan ang kanilang gutom lalung-lalo na ang mga bata.
Taos pusong pagtulong
sa kapwa
Habang kausap ni Racel ang ama, pinipigilan nyang tumulo ang
luha, labis na habag ang kanyang nadama para sa mag-aama lalo na sa mga paslit
na kasama.
Ang mas higit pa raw na nakadurog ng puso ng guwardiya ay
nang malama nyang kaya sila pupunta ng Lemery ay dahil sa ina ng mga bata na
pumanaw na. *
Hindi na nagdalawang isip si Kuyang gwardiya at agad nyang
kinuha ang wallet upang magbigay ng kaunting tulong sa kanila.
Mabuti na lamang at mayroon pa syang kaunting perang naiipit
sa wallet at binigyan sila ng pera upang makarating na sila sa Lemery at
makapilang na ang kanilang ina kahit sa huling sandali.
Pinakain din muna niya ito at saka binigyan pa ang mga ito
ng mababaon pauwi sa kinaroroonan ng labi ng ina ng mga bata.
Panawagan at dalangin
para sa mag-aama
Pagkaabot ni kuyang guard ng pera, pinaalalahan nito ang ama
na mag-ingat lalo na ang kanyang mga anak.
Dalangin din ni Kuya Racel na gabayan nawa sila palagi ng
Panginoon at makarating sila ng ligtas sa kanilang patutunguhan.
Hindi nag-alinlangan si Kuya Racel na ipost ang pagkakataong
ito sa social media upang makarating sa nakararami ang kalagayan ng mag-aama at
mabigyan na din sila ng tulong.
Nagbabaka sakali si Racel na may makakita sa mag-ama, at
kanilang abutan ng tulong ang mag-aama.
Talaga namang kahanga-hanga ang ginawa na ito ni Kuya Racel,
na sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay at hindi sya nagdadalawang isip na
gumawa ng kabutihan sa kanyang kapwa lalo na sa mga mga nangangailangan.
Sana ay tuluran natin ang magandang katangian ni Kuya Racel
at nawa’y gantihan ng Panginoon ang kanyang kabutihan.
Source: KAMI