KUMAKAIN PA: Driver ng ambulansya umalis at iniwan ang isusugod na pasyente; Nag-commute nalang pa-Ospital - The Daily Sentry


KUMAKAIN PA: Driver ng ambulansya umalis at iniwan ang isusugod na pasyente; Nag-commute nalang pa-Ospital



Larawan kuha mula sa post ni Krishia Rafael

Gumawa ng ingay kamakailan lamang ang naging isyu tungkol sa naibalitang iilang mga pasyente na binawian nalang buhay sa loob ng ambulansya sanhi ng matinding trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Napakalaking gamit at tulong ng mga Ambulansya pati narin lahat ng mga driver nito para sa mga Emergency na sitwasyon, upang maitakbo ang lahat ng mga pasyente na nangangailangan ng agarang lunas sa ospital.

Ngunit, tila kabaligtaran lahat ang naging karanasan ng pamilya ni Krishia Rafael tungkol sa paghingi ng agarang tulong at Ambulansya upang maisugod ang nanghihinang Ina sa ospital.


Sa isang post ni Krishia sa kanyang Facebook account, ikinuwento niya kung paano sila ipinagwalang asikaso ng mga tauhan sa Barangay Pilar, Las Pinas nung tumawag sila para sa agarang aksyon sana na maihatid sila ng Ambulansya.

Larawan kuha mula sa post ni Krishia Rafael

Ngunit tila daw wala lang pake ang driver ng ambulance at sinabihan pa sila na hindi nila pag mamay-ari ang ambulansya.

"Yung nanay ko emergency tapos yung mga baranggay na driver ng ambulance parang walang mga pake," panimula niya sa kanyang post.

"Oo nakapagmura ako dahil yung nanay ko emergency na tapos sasabihin saken di namen pag mamay ari ang ambulance ganyan pala mga baranggay dito sa pilar," dagdag niya.

At ikinagalit pa ni Krishia nung sinagot lang siya na kumakain pa ang magiging driver ng ambulansya kahit pa sa emergency na sitwasyon.

Panawagan din niya sa Kapitan ng barangay na sanay maaksyunan ang maling pagtrato at pakikitungo ng mga kasapi niya sa opisina.



Ito ang buong salaysay ni Krishia Rafael: 

Yung nanay ko emergency tapos yung mga baranggay na driver ng ambulance parang walang mga pake!!!! 


Larawan kuha mula sa post ni Krishia Rafael
Oo nakapagmura ako dahil yung nanay ko emergency na tapos sasabihin saken di namen pag mamay ari ang ambulance ganyan pala mga baranggay dito sa pilar.
halos maiyak iyak na ko kakatawag sa ambulance na yan tapos sasabihin nakain pa ang driver juscolored!!! Tama bang idahilan yan sameng nangangailangan ng ambulance!!! 

Pano pala kung yung nanay ko nag aagaw buhay idadahilan nila saken samen nakain ang driver kap. 

Restituto Martinez paki aksyunan po yung mga gantong bagay paalisin sa pwesto yang jerry caballez na yan!!!! Meron pa clang dinahilan na kesyo kanina pa 4 natawag ung isang isusugod sa ospital kanina pa pala 4 bakit kanina lang cla dumating!!! 

Sobrang sama ng ugali ng ibang mga baranggay tanod dito sa pilar tanggalin dapat sa serbisyo yan kap!!!! Walang kwenta yang baranggay na yan oo nagmura ako!!! 

Mas nakuha nya pa makipagmurahan kesa sa nanay kong emergency na kailangan dalahin sa ospital!!!!!!!

Sa isang post din na nagpakilalang kaibigan at kabarangay ni Krishia na si Bella Solsona Crueta, ibinahagi niya ang kabuuan ng pangayayari.



Larawan ng naging post ni Bella Crueta


Sinabi niya na noong pagkadating ng ambulansya sa lugar kung saan mangangaling ang pasyente, napagsalitaan daw ito ng di maganda ni Krishia dala nadin umano ng bugso ng damdamin bilang anak na nag-aalala sa kanyang Nanay.

Kaya naman ang ginawa ng driver at kasama nito sa ambulansya ay umalis at iniwan lang nila ang Nanay ni Krishia na noon ay nahihirapan sa kanyang kondisyon.

"Ang ginawa ng driver at mga kasama nya sa ambulansya umalis iniwan ung nanay ng kaibigan ko at kumuha ng ibang pasyente," saad ni Bella sa kanyang post.

Hanggang sa wala ng ibang magawa ang pamilya ni Krishia, nag-commute nalang sila papuntang ospital kahit pa sa kalagayan ng kanilang Ina.



Ito ang buong pahayag ni Bella Crueta: 

Nanay to ng kaibigan ko , tinawagan nila ung ambulasya ng barangay na kung pwede mag pahatid sila ng pasyente sa distric hospital ang sabi wait lng daw kumakain pa daw yung driver

so nag hantay yun pamilya ng kaibigan ko 30minutes cguro kasi kala nila kalahating oras bago matapos kumain ung driver ng ambulasya 

then tumawag ulit sila ang sabi ng kaibigan ko sa LPDH nlng dadalhinln yung nanay nila so agad agad dumating ung ambulasya syempre bugso ng damdamin bilang anak na nahihirapan ung nanay nya nakapag salita ung kaibigan ko ng di maganda 

ang ginawa ng driver at mga kasama nya sa ambulansya umalis iniwan ung nanay ng kaibigan ko at kumuha ng ibang pasyente! 

Kapitan. Maartinez paki akshuna! Kawawa ung nanay nag kaibigan ko nag cumute papuntang hospital kahit nahihirapan

***

Source: Krishia Rafael | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!