Kumakalat sa social media ang isang video na in-upload ng netizen na si Brenda Cauntay na ngayon ay umabot na sa 4.1k shares habang sinusulat namin ang istoryang ito.
Mga larawan mula sa video ni Brenda Cauntay
Ayon kay Brenda, tumaas raw ang kanyang presiyon kaya naisipan nitong bumili ng pineapple juice upang inumin.
Mapapanood sa video kung paano lumabas ang mga dumi at buo-buong laman ng pineapple juice na nasa tetra pak.
“Pagbukas ko merong something, naitapon ko na siya. Itatry ko ulit,” kwento nito.
Pagsalin ni Brenda ng juice sa isang baso ay makikitang naglalabasan ang tila mga maduduming laman nito. Makikita rin na may nakasabit na parang bulak sa lagusan ng tetra pak.
Larawan mula sa video ni Brenda Cauntay
Ginupit rin nila ang tetra pak ng juice upang makita ang laman nito sa loob. Hindi naiwasan ni Brenda at ng mga kasama niya ang mandiri sa kanilang mga nakita.
“Yuck,” sambit ni Brenda at ng mga kasama.
Ipinakita naman ni Brenda ang expiration date ng juice na binili at makikitang 20JUL20 ang nakasulat dito na ang ibig sabihin ay July 20, 2020.
Larawan mula sa video ni Brenda Cauntay
“Lalo atang tumaas ang aking BP dine ng makita ko,” sabi ni Brenda.
Mas lalong nandiri sina Brenda nang matapos na nilang gupitin at buksan ang nasabing juice. Punong puno ito ng dumi at hindi mo malaman kung ano ang mga ito.
Isinalin nila ang natitirang laman ng juice sa isang lagayan at makikitang nagsisilutangan ang mga dumi.
Larawan mula sa video ni Brenda Cauntay
“Ewwwwwwwww,” pandidiri nina Brenda at ng mga kasama nito.
“Imaginin mo yan, ang dumi, ano yan? Kakapangilabot,” sabi ni Brenda.
“Jusko tumataas ang aking balahibo,” dagdag nito.
Sa isa pang video ay makikitang may mga natira pang dumi na dumikit na sa lagayan ng juice. Ayon sa kanila ay mukhang balat ng bangus ang mga duming nasa nakuha nila.
Narito ang mga video sa ilalim:
Video one:
Video two:
Video three:
***
Source: Brenda Cauntay | Facebook