Kaibigang di pinautang ng 10K panghanda sa kaarawan ng anak, galit at minura ang kaibigan - The Daily Sentry


Kaibigang di pinautang ng 10K panghanda sa kaarawan ng anak, galit at minura ang kaibigan



Wina Dalaorao | Larawan kuha mula sa Facebook post.

Unang kaarawan kaya dapat may lechon, cake, at pa-catering!

Ito ang naging dahilan ng isang kaibigan, at Ina na humingi ng malaking pabor sa kanyang kaibigan para sa panggastos sa kaarawan ng kanyang anak.

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng isang netizen na si Wina Dalaorao tungkol sa pangungutang sa kaniya ng kaniyang kaibigan.

Chinat umano siya nito para uutang ng sampung libo para pang handa sa anak nitong mag cecelebrate ng 1st birthday.


Ayon sa laman ng chat ng kanyang kaibigan, na ibinahagi ni Wina sa kanyang naturang post, (nakasulat sa pananalitang Cebuano o Bisaya), sinabi nito na ang pera na sana'y kanyang hihiramin ay gagamitin niya pang handa dahil pangit naman daw kung walang handa sa unang kaarawan ng anak at naaawa din siya sa bata.

Larawang ibinahagi ni Wina sa kanyang post

Kaya plano niyang ibili ang 10k ng lechon, cake o kung hindi man ay sa catering services. Dagdag din nito na maliit lang daw para kay Wina ang hiningi nitong pabor dahil sa laki ng sahod niya sa trabaho at isang seaman pa ang ama nito.

Kaya gulat na sinagot ni Wina ang kaibigan dahil sa laki ng hihiramin nito at di niya alam kung saan niya hahagilapin ang pera. Kaya pinaliwanag nalang niya sa kanyang kaibigan na pwede naman nilang ipaghanda ang anak nila sa simpleng paraan lamang.

Ngunit pilit padin ng kaniyang kaibigan dahil kukuha sila ng catering services, at sa dami daw ng iimbitahan ntiong iba pang mga kaibigan ay hindi sapat ang konting handaan lang.

Maayos pa din na ipinaliwanag ni Wina na sa kaibigan na makontento nalang sa kung anong kaya maihanda at dagdag niyang wag nang intindihin pa ang mga inaasahang mga dadalo ang importante ay ang anak nila na siyang pinaghahandaan.

Larawang ibinahagi ni Wina sa kanyang post

Kaya dito na nagalit ang kaibigan niya, dahil di niya pinahiram at sinabihan na siya nito na parang kung sinong mayaman, hindi naman siya maganda.

Hindi pa ito akontento at minura si Wina at sana'y daw ay mamatay nalang daw ito, at lahat ng kung anong meron man siya ngayon ay kukuhanin din sa kanya.

Karma nalang sa kaniya ang hindi pagtulong niya sa kanyang kaibigan.

Umani na ang naturang post ni Wina ng 20K reactions, 348 comments at 22k shares mula sa mga netizens na nagpahayag din ng kani-kanilang reaksyon at opinyon tungkol sa ibinahaging karanasan ni Wina.


Ito ang naging buong pahayag ni Wina: 


Larawan ng post Wina

I dont want to post this but you provoke me to do such thing and [dumadami na ang ganitong mga tao!] 

Fyi, [hindi ako nagtatrabaho para lang ipahiram ang sahod ko para may pang pa LECHON, CAKE at CATERING ka]. 

Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it. 


[Mayaman daw ako dahil seaman daw ang Tatay ko] hahaha!!!

[Bakit may mga ganitong tao?] you're so lucky enough cos im still hiding ur face.

God bless you. Advance happy bday imu baby.

***

Source: Wina Dalaorao | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you