Larawan kuha mula sa CCTV camera |
Maingay sa social media ang video na ngayoy kumakalat tungkol sa pananalisi ng isang nagpanggap na customer sa loob isang sikat na fast food chain.
Isang cashier ng Jollibee ang nabiktima ng kaniyang naging customer, kung saan di niya namalayan ang bilis ng galaw ng kamay nito at siya'y nasalisihan.
Sa post ni Janine Dy Balwit, sinalaysay niya kung paano naganap ang mabilis na pananalisi na nasapul ng CCTV camera.
Kita sa video na habang nasa counter na ang lalaking customer, ay nagmamasid-masid muna ito sa kanyang paligid at kunwari ay may kinukuha sa kaniyang dalang bag.
Larawan kuha mula sa CCTV camera |
Kita rin na tila ay bihasang-bihasa ang lalaki sa kaniyang ginagawa na di mo makikitaan ng kahit konting kaba, dahil nagawa pa netong ngumiti sa kahera at sa isang iglap ay nagtagumpay nga siya.
"Then ibinigay nang kahera yung 1k nya , tpos ayun bilis nang kmay nang baklang to.. Yung 1k naging 100, . si cahera nmn ay nabudol na kinuha ang 100 at nagbigay ulit nang isang libo.. Ayun nashort na ng kahera nang 900.. So sad)," dagdag niya.
Matapos siyang makalibre ng pagkain at magka-instant pera, ay agad-agad itong umalis, palabas ng store.
Ayon kay Janine, kulang pa ang buong araw na pinagpagurang sahod ng kanilang kahera pambayad sa naging short nito.
Larawan kuha mula sa CCTV camera |
Paalala din niyang lipana ang ganitong modus ng mga masasamang tao at magpapasko kaya ugaliing maging alerto sa mga transaksyon at ipa-check muna sa CCTV camera kung may ipinipilit mang reklamo ang customers.
Ito ang buong kwento:
Pasikatin natin ang Baklang to..paki tandaan po ang mukha nito baka kayo na ang isusunod nyang budulin.
Magtrabaho ka nang marangal bakla, hindi yung mangbubudol kpa. ( bumili sya cokefloat tapos 1k pera nya , nagtanong cahera namin if may smaller bill sabi nya wala then pagcash out nang cahera tyka sya nag sabi nang my 50 pesos sya..
Then ibinigay nang kahera yung 1k nya , tpos ayun bilis nang kmay nang baklang to.. Yung 1k naging 100, . si cahera nmn ay nabudol na kinuha ang 100 at nagbigay ulit nang isang libo.. Ayun nashort na ng kahera nang 900.. So sad )
Kawawa kahera namin sayo.. Kulng pa isang araw na trabho nya sa kinuha mong pera..
Baklang tooo..
Kaya ingat po ang lahat nang kahera ngayong Ber months nag lipana na nmn ang mga BUDOL BUDOL GANG..mg check nlng muna nang cctv bago mgbigay nang perang iniinssist ni customer.
Bee Alert , Bee Wise.
***
Source: Janine Dy Balwit | Facebook
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!