Usap-usapan ngayon ang kontrobersyal na reklamo ng lola at ina ng isang batang di umano'y pinahiya ng isang guro.
Maging si Raffy Tulfo ay nabatikos ng mga netizen dahil sa agaran niyang reaksiyon na kasuhan o tanggalan ng lisensya sa pagtuturo ang guro.
Samantala, isang nanay ang nagkwento kung gaano kabuting guro si Gng. Melita Limjuco.
Sa Facebook post ng netizen na si Charmaine Dicang, in-upload nito ang larawan ng kanyang anak kasama si Gng. Limjuco.
Ayon kay Mrs. Dicang, hindi raw masyado nakakabasa ang kanyang anak noong unang pumasok sa klase ni Gng. Limjuco, dahil dito ay nagbibigay raw umano ng special reading class ang guro after ng klase niya kahit na hindi ito kasama sa oras niya.
Dagdag pa ni Mrs. Dicang, naiyak umano ang kanyang anak nang malaman ang isyu sa kanyang dating guro. Ayon sa kanyang anak, strikto raw si Gng. Limjuco ngunit hindi raw ito nananakit.
Binigyan pa raw ni Gng. Limjuco ng special award ang anak ni Mrs. Dicang kahit na mababa ang mga grado nito.
Basahin ang kanyang buong post:
"adviser siya ng anak ko sa Grade 2.. hindi msyado makabasa ang anak ko nung pumasok kay mrs. Limjuco, and take note nagbibigay ng special reading class si teacher after ng klase niya sa umaga kahit hndi na yun ksama sa Oras niya.. nakatapos ng Grade 2 ang anak ko na nakakabasa na dhil kay MRS. LIMJUCO.. nung sinabi ko sa anak ko ung nangyare, naiyak siya.. sabi niya hndi nman nananakit si mam niya..strikto lang daw tlaga, nung Recognition, khit mababa ang grades ng anak ko.. bnigyan niya pa ng special award dhil nakakabasa na siya.. SALUTE to Mrs. Limjuco👍👍👍