Jim Paredes | Bong Revilla | CTTO |
Sa panibagong post ni Paredes sa social media, binatikos ng singer ang kapwa artista na si Senator Bong Revilla, pati na din ang GMA 7, sa napapa-balitang pagbabalik telebisyon ng aktor sa kanyang home studio.
Senator Bong Revilla | Photo credit to Diaryo Bomba |
Matatandaan na Ang Kap's Amazing Stories, na nag-umpisa noong August 2007 at nagwakas noong July 2014, ang huling show ni Bong sa GMA-7.
Ang balitang ito marahil ay hindi ikinatuwa ng veteran singer na si Paredes, na kilala ding mahilig mang-batikos ng kapwa na kasalungat ng kanyang paniniwala at prinsipyo, lalo na sa larangan ng politika.
Dati na ding binatikos ni Paredes si Revilla dahil sa pagkakasangkot ng huli sa kontrobersiya ng PDAF noon.
Sa latest post ni Paredes sa Twitter, makikita ang pagkadismaya nito at sinabing nadadaan lang diumano sa pera ang lahat at kinutsa ang desisyon ng network na gawing role model ng kabataan ang aktor/senador.
“PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this", ani Paredes.
Screenshot of Jim Paredes' post | Credit to twitter |
Dagdag na pahayag ni Paredes, "Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people."
Naging kontrobersyal ang opinyon na ito ng veteran singer kung kaya iba-ibang ang naging reaksyon ng mga netizens ukol dito. Ang iba ay pabor at kumampi kay Paredes at sinabing iboboycott ang programa ni Revilla.
Screenshot of comments | Credit to twitter |
Ngunit may ilan ding pumanig kay Senador Bong Revilla at ibinalik kay Paredes ang mga batikos nito laban sa aktor dahil sa nasabing video scandal nito.
|