Yolanda survivor na iskolar ni Kara David, isa nang ganap na CPA - The Daily Sentry


Yolanda survivor na iskolar ni Kara David, isa nang ganap na CPA





Mga larawan hango mula sa Instagram


Alam nyo ba na ang beteranang journalist ng GMA 7 na si Kara David ay isa rin pa lang pilantropo? Naging laman ng balita ang news anchor dahil sa kabutihang nagawa nito na nagsilbing inspirasyon sa mga kababayan nating hikahos sa buhay.

Kamakailan lang ay nakapagpabago na naman ng isang buhay ng isang batang dukha man sa materyal na bagay at mayaman naman sa pangarap at pagpupursige.

Project Malasakit, para sa mga batang hangad baguhin ang kanilang buhay

Sa pamamagitan ng Project Malasakit, na itinatag ni Kara David noong 2002, sa tulong ng mga donor partners ay naisa-katuparan ang Project Malasakit, isang non-stock, non-profit foundation kung saan ay tumutulong ito sa mga mahihirap na kabataang Pilipino na makapag-aral.

Sa tulong ng mga outreach programs sa iba’t ibang komunidad na talaga namang nasa mga liblib na lugar, ay nakapagbahagi ng tulong sa mga kababayan nating mahihirap, gaya na lamang ng pagbiigay ng mga pagkain, mga gamot at atensyong medical, mga gamit sa eskwelahan ng mga bata na hindi naaabot ng serbisyo ng pamahalaan ay natutugunan ng nasabing proyekto kahit sa maliit na paraan.

Sa kasalukuyan, ang Project Malasakit ay mayroong 25 scholars sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. At higit sa walong daan (800) na pamilya sa natutulungan ng mga outreach programs nito. *

Mga larawan hango mula sa Instagram


Karamihan sa mga benepesyaryo ay ang mga batang biktima ng child labor, at iba pang uri ng pang-aabuso.

Bukod pa rito, mayroon ding mga proyekto ang Programa ni Kara na kung saan ay nangangailangan ng mahabang pagtulong gaya ng lamang ng mga scholarship programs.

Isa na nga rito kamakailan ang napabalitang pagtatapos sa kolehiyo ng foundation ni Kara na kung saan ay nakapagtapos ito sa kursong Accoubtancy  at ngayon ay isa ng Certified Public Accountant (CPA). 

Siya si Philip Christian Palabay, isang iskolar ng Project Malasakit na nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, at nakakuha ng karangalan bilang isang “Cum Laude”.

Si Philip, ay isa ring biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda, noong Nobyembre 2013.

Kamakailan nga ay sumama pa si Kara David sa oath-taking ceremony ni Philip Christian na idinaos sa Philippine International Convention Center (PICC), upanag makiisa sa selebrasyon ng kanyang iskolar.

Talagang proud na proud si Kara sa tagumpay ni Philip, kaya naman nagawa pa nyang ipost nya ang larawan nila ni Philip mula sa Oath taking ceremony.

"Our Project Malasakit scholar Philip Christian Palabay is now a CPA! And he is now working for SGV in Makati. Congratulations! Always very proud of you," ani Kara.

Si Palabay ay nagkamit ng latin honors mula sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas ngayong taon, at kamakailan lang ay nakapasa sa CPA licensure exam at isa ng ganap na Certified Public Accountant (CPA). *

Nawa’y magsilbing inspirasyon ng mga kabataan sa panahon ngayon ang mga katulad ni Philip na sa kabila ng mga unos na dumaan sa kanilang buhay ay kayang-kayang mapagtagumpayan basta sa pagsisikap, sipag, determinasyon at tiwala lang sa may kapal.



Source:  GMA News