Isang magaling na aktor noon, naghihirap na at sa isang garahe nalang daw natutulog ngayon - The Daily Sentry


Isang magaling na aktor noon, naghihirap na at sa isang garahe nalang daw natutulog ngayon



Si Boy Alano noon at ngayon
Alam naman natin na ang pagiging isang artista ay hindi isang pang habang buhay na trabaho, maaaring ang iba sa kanila ay sikat noon, ngunit, sa paglipas ng panahon, unti unti na din silang nawawala sa limelight at nalalaos. Ang parteng ito ay isa na siguro sa pinakanakakalungkot na pangyayari sa buhay ng ilang mga beteranong mga artista na permanenteng nawala sa limelight.

Katulad na lamang ng nangyari sa sikat na child actor noong 1950s na si Herminio Alano o mas kilala sa kaniyang screen name na 'Boy Alano'. Nakatrabaho din niya ang ilang mga sikat na personalidad kagaya na lamang nina Rene Requiestas at Panchito Alba.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang netizen sa kaniyang Facebook account ang kasalukuyang estado ni Boy Alano. Ayon sa kaniyang post, si Boy Alano ay nakatira na lang daw sa isang garahe sa Barangay 398 sa Sampaloc, Manila.

Buhay ni Boy Alano ngayon

Buhay ni Boy Alano ngayon
Sinabi din niya sa kaniyang post na ang kaniyang rason kung bakit niya ito ipinost ay dahil nais niyang malaman ng publiko ang tunay na estado nito ngayon at para na din siya ay makahingi ng tulong sa mga ilang artista na nakatrabaho ni Alano noon nang siya ay sikat pa at nasa mundo pa ng showbiz.


Kung hindi pa alam ng iba sa inyo, si Alano ay gumanap na sa ilang mga pelikula at teleserye sa telebisyon dati. Sa katunayan nga niyan ay nagawaran siya noon ng Best Child Actor sa 5th Asian Film fest in 1958 dahil sa kaniyang pelikula na pinamagatang 'The Day of the Trumpet'.

Sikat na sidekick noon si Boy Alano
Siya din ay naging isang Assistant Director ng pelikula na 'Chetae Gandang Lalaki' na ginanapan ng komedyante at beteran na actor na si Joey De Leon. Bukod pa dito, gumanap na din si Alano sa maraming pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures noong 1950s katulad ng 'Roberta', 'Anghel ng Pag-ibig', 'Rebecca', 'El Indio', 'Munting Koronel', 'Anak ng Espada', 'Maldita', at marami pang iba.

Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng kanilang iba't ibang reaksyon ukol sa post. Narito ang ilan:

"Kawawa naman siya. Sana ay matulungan siya ng mga sikat na artista ngayon gaya ni Coco Martin. Ikalat natin ito para mapansin siya ni idol Coco. Sharing is caring!"

"Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati kang sikat at ngayon ay normal na tao na lang. Bilog talaga ang mundo. Kaya dapat pahalagahan ang opurtunidad na dumating para in the future ay maayos pa rin ang buhay."

"Ganyan ang buhay. Minsan nasa taas minsan nasa ibaba. Pero ang wish ko ay sana matulungan siya. Dati siyang nagpasaya sa mga tao kaya deserve nyang matulungan ngayon. Ikalat natin para makita ng kinauukulan."

Source: Reader Digests, ABS-CBN News