Isang Lolo, humihingi ng tulong para mahanap ang kanyang pamilya - The Daily Sentry


Isang Lolo, humihingi ng tulong para mahanap ang kanyang pamilya



Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga
Viral sa Facebook ang post ng isang netizen, kung saan ay humihingi ito ng tulong upang mahanap ang mga kamag-anak ng isang nakaka-awang lolo na palaboy sa lansangan.

Sa post ng netizen na si Miracquel Balatbat Sunga, hinikayat niya ang mga tao sa social media na i-share ang mga larawan ni lolo upang sa ganun ay mabilis siyang mahanap ng kanyang pamilya.

"Magandang araw po sa inyong lahat gusto ko lang po sanang humingi ng konting tulong sa inyo para matulungang mahanap ang pamilya ni tatay para naman po hindi pakalat kalat si tatay sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sya dala ng katandaan nya." ayon kay Sunga.

Dagdag pa nito, laging nagagawi si lolo sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan na pakalat-kalat sa kalsada kaya naman nangangamba siyang baka madisgrasya ito gawa ng kanyang katandaan.

"Sya po ay laging nagagawi dito sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan kung mapapasin nyo po ang kanyang mga larawan ay talagang nakaka durog po ng puso ang nangyari sa kanya." ayon sa post ni Sunga.
Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga
Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga
Larawan mula kay Miracquel Balatbat Sunga
Sa bandang comment section naman ay may isang netizen na nagtanong kay kung ano ang nangyari sa mukha ni tatay bakit tila mayroon itong malaking sugat sa bandang pisngi.

Ayon sa sagot ni Sunga, napag-alamang nahulog si tatay sa sinasakyan nitong tricycle isang araw bago niya ito kunan ng litrato ang matanda.

Narito ang kanyang buong post:

"Magandang araw po sa inyong lahat gusto ko lang po sanang humingi ng konting tulong sa inyo para matulungang mahanap ang pamilya ni tatay para naman po hindi pakalat kalat si tatay sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sya dala ng katandaan nya. Sya po ay laging nagagawi dito sa Sto.niño, Hagonoy Bulacan kung mapapasin nyo po ang kanyang mga larawan ay talagang nakaka durog po ng puso ang nangyari sa kanya. Kung pwede po sana paki share ung mismong picture para mas mapadaling makarating sa kanyang pamilya ang kalagayan ni tatay maraming salamat po Godbless."

Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:

Mark Jayson Dela Cruz Nakakaawa naman po ang kalagayan ni lolo, ang hirap para sakin na makita siyang nahihirapan lalo na mayroon siyang malaking sugat sa mukha.

Robles Robles Yvets Sana nga po at mahanap na siya ng mga kamag anak niya. dapat si lolo eh nagpapahinga nalang sa kanilang bahay kaso tila ang hirap ng kalagayan niya ngaun.

Nhojner Sagelliv Lote Ndi nya ba alm kng saan xia nktra... Kawawa nmn po c lolo.. Hingi po kayo tulong jan sa mga kptd kng pwede or sa PNP. PRA mpdli ang paghhnp sa famly nya po...

****