Isang ina, nananawagan ng tulong na maibalik ang anak niyang tinangay ng yaya - The Daily Sentry


Isang ina, nananawagan ng tulong na maibalik ang anak niyang tinangay ng yaya



Left: Ang suspek na yaya / Right: Si Princess Jean at ang kanyang anak
Isang ina ang naghihinagpis ngayon matapos niyang malaman na tinangay ng yaya ang kanyang anak na 5 buwang taong gulang.

Si Princess Jean Perrin ay nananawagan ngayon ng tulong para maibalik ang kanyang anak. Aniya, tinangay daw ito ng kanyang yaya.

"Parang awa, kailangan ko ng tulong niyo. Please share. Ninakaw ang anak ko ng babaeng ito," tinutukoy ang yaya ng sanggol.


Ayon kay Princess, hindi na matawagan ang suspek na yaya at deactivated na rin daw ang Facebook nito.

"Wala na siya FB at di na matawagan ang ang cellphone niya."

Dagdag niya, peke daw ang ibinigay na ID ng yaya ng sanggol. "Fake ID pala yung binigay niya."

Dahil sa peke ang ID na ibingay ng kanyang yaya, hindi niya alam ang tunay nitong pangalan.

Narito ang mga detalye mula sa kanyang panawagan sa Facebook:

Eto daw si Alyas Kristine na yaya ng anak niya 
Eto ang pekeng ID na ibinigay ng yaya bilang identification / Litrato mula sa pinsan ni Princess



Eto ang anak ni Princess / Litrato mula sa pinan ni Princess

Si Princess at ang kanyang anak

Nag-upload din si Princess ng CCTV footage ng pagtangay ng yaya sa kanyang sanggol.



Source: Princess Jean Perrin / Facebook