Doctor, sinabing ang baby oil at manzanilla ang sanhi ng pagkakaroon ng Pneumonia ng mga bata - The Daily Sentry


Doctor, sinabing ang baby oil at manzanilla ang sanhi ng pagkakaroon ng Pneumonia ng mga bata



Larawan mula sa Facebook at Times of India
Sa panahon ngayon, madaming ina ang hindi pa talaga kabisado kung paano alagaan ng maayos ang kani-kanilang mga anak, lalo na kung ito ay may masamang nararamdaman o kung ano ba ang dapat gawin kapag ito ay may sakit tulad ng ubo, sipon o kabag.

Ganun pa man, isang Facebook post mula sa isang ina ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens tungkol sa naging karanansan niya sa kanyang 3 months old na anak na may sipon at ubo.

Kwento ni RC Aguilar, sa tuwing ipapacheck up nilang mag-asawa ang kanilang baby sa Pediatrician ay marami silang napupulot na aral dahil narin sa mga sermon/payo sakanila nito.

Ayon umano sa payo ng Pedia, hindi kailangang gamitan ng baby oil o manzanilla ang mga baby kapag ito ay may ubo, sipon o kabag dahil ito daw umano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pneumonia ng mga bata.
RC Aguilar / Larawan mula sa Facebook
Ayon pa kay Aguilar, gusto lamang nito ibahagi sa ibang nanay ang payo sakanyan ng isang senior pedia ( 2 decades pedia ) na nakasaksi sa pagbabago ng panahon.

"He asked us (BTW he is a 2decade pedia na) if we're using BABY OIL and manzanilla,and we said YES,we used manzanilla if my baby has a colic or kabag.. And baby oil para di daw pasukin ng lamig.He said its a BIG NO. Baby oil and manzanilla can cause PNEUMONIA. most babies (90%)as of today ang sakit is pneumonia, naiiwan ang oil sa katawan ni baby,ang germs hindi natatanggal since hindi humahalo sa water" ayon kay Aguilar.

Ayon umano sa pagsusuri, nasa 90 porsyento ng mga sanggol ngayon ay may sakit na pneumonia dahil sa madalas na paggamit ng baby oil o manzanilla sa bata ay naiiwan ang mga germs sa katawan ng mga sanggol dahil hindi ito sumasama sa tubig sa tuwing papaliguan ito.

Sinabi din ng Pedia kay Aguilar na noong 90's o noong sinaunang panahon ay maaari pang gamitin baby oil sa mga bata ngunit hindi na ngayon dahil na rin sa climate change.
Larawan mula sa Everyday Health
"nung panahon naten 90's is applicable pa ang manzanilla,but as of now hindi na daw at isa eto sa factor na nakaka pneumonia dahil din sa climate change," ani Aguilar.

Payo pa nito, kapag may kabag ang bata ay kailangan lamang gamitan ito ng hot compress at wag gumamit ng baby oil o manzanilla.

"if your baby has a colic/kabag, just do the hot compress. Don't use oil, wag din matakot paliguan ng hapon ang baby, tandaan daw, ang baby sa tyan naten ,24/7 nasa tubig at dun sila nabuhay." payo ni Aguilar.

Dagdag pa niya, wag ilalabas ang mga baby bago mag-5pm dahil lahat umano ng polusyon ay pababa na sa lupa at malaking dahilan ito para masagap ng baby sa kanyang katawan dahilan ng pagkakasakit nito.

"wag din ilabas si baby before 5pm ,lahat ng polution,pababa na sa.lupa,dun magkakasakit si baby,& hindi daw po ulo ang tinatakpan pag gabi or hapon para di mahamugan,kundi ilong at bibig po 😊. Avoid bringing your child at mall, dun nakakakuha ng sakit mostly ,why? Ang viral infection, 30mins bago mawala sa Airconditioned place while at ang open area,it take only seconds" dagdag pa nito.

Basahin ang buong post ni Aguilar sa ibaba:
Larawan mula sa Facebook
"MUST READ! AS PER PEDIA.

"Mga mamsh just wanna share. ,please take time to read this!

"I know most of the mommies here is applying manzanilla and baby oil to our babies,right?

"Last mos may monthly check up si baby ko(3mos old now) she has colds and cough but thanks God ok and need lang ng nasal spray,si pedia every check up may lecture sameng magasawa. He asked us (BTW he is a 2decade pedia na) if we're using BABY OIL and manzanilla,and we said YES,we used manzanilla if my baby has a colic or kabag.. And baby oil para di daw pasukin ng lamig.He said its a BIG NO. Baby oil and manzanilla can cause PNEUMONIA. most babies (90%)as of today ang sakit is pneumonia, naiiwan ang oil sa katawan ni baby,ang germs hindi natatanggal since hindi humahalo sa water, nung panahon naten 90's is applicable pa ang manzanilla,but as of now hindi na daw at isa eto sa factor na nakaka pneumonia dahil din sa climate change,if your baby has a colic/kabag, just do the hot compress. Don't use oil, wag din matakot paliguan ng hapon ang baby, tandaan daw, ang baby sa tyan naten ,24/7 nasa tubig at dun sila nabuhay.

"take time to search mga mamsh, walang masamang sumunod sa pamahiin naten, but ask ourselves, does everything that we used to follow is still applicable today? Remember,iba noon,iba ngayon. Anyways sa mga mamsh na hindi naniniwala dito,its ok,im just sharing this knowledge and hindi ito haka, this is from a senior pedia na nakasaksi ng evolvement ng panahon 😊😊😊. Godbless 🤗

"EDIT: ADD papo, wag din ilabas si baby before 5pm ,lahat ng polution,pababa na sa.lupa,dun magkakasakit si baby,& hindi daw po ulo ang tinatakpan pag gabi or hapon para di mahamugan,kundi ilong at bibig po 😊

"Avoid bringing your child at mall, dun nakakakuha ng sakit mostly ,why? Ang viral infection, 30mins bago mawala sa Airconditioned place while at ang open area,it take only seconds

"(DR.bibiano & annelyn Reyes) pedia pulmo & pedia infectious

"#CCTO

"#SharingIsCaring

****