Photo courtesy of Frontrow/GMA |
Tunay na kahanga-hanga ang sakripisyo ng isang Pilipinang guro na si Elizabeth Miranda na nagtitiyagang maglakad ng dalawang oras at tumawid ng limang ilog para makarating sa kanyang mga mag-aaral.
Sa kabilang ng kanyang hirap araw-araw, hindi nawawala ang kanyang paniniwala na magkakaroon ng magandang dulot ang kanyang ginagawa para kinabukasan ng kanyang mga estudyante.*
Ayon sa bayaning guro, may mga ilog na madaling tawirin, mayroon ding malalim at kailangang sumakay sa salbabida. Laking pasalamat din niya na may nagmamalasakit sa kanyang mga residente ng komunudidad kung saan siya nag tuturo.
Ang paaralan kung saan nagtuturo si Miranda ay isang maliit na kubo na salat sa kaginhawaan, malayo sa kabihasnan at walang mga sapat na kagamitan para sa mga mag-aaral.
Photo courtesy of Frontrow/GMA |
Kahit wala halos makain ang mga bata, at kahit na kulang sila sa pasilidad, patuloy pa rin silang pumapasok sa eskwela at masaya na natututo mula sa kanilang guro na si Miranda.*
May mga sandali din daw na nais ni Miranda na sumuko na lang at siya ay nag-aalangan kung talagang kaya niyang mabago at mapabuti ang kanilang kalagayan.
At sa mga pagakakataong nawawalan siya ng pag-asa, iniisip nalang niya ang kanyang mga mag-aaral para magpatuloy pa.
Tuwing nakikita niyang nagkakaroon ng interes matuto ang bawat estudyante sa kanyang klase, mas nagkakaroon din siya ng pag-asa at positibong pananaw para sa mga bata.
Umaasa ang guro na may makapansin ng kanyang sakripisyo at tulungan siya sa kanyang misyon na mabigyan ng edukasyon ang mga bata sa Sitio Barogante, Occidental Mindoro.
At sana, bigyang pansin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng tulay o di kaya ay maayos na paaralan para sa mga batang nais mag aral.