Isang Guro nanindigan sa pagdidisiplina ng mga bata: "Remove my license to teach all you want, but I will never..." - The Daily Sentry


Isang Guro nanindigan sa pagdidisiplina ng mga bata: "Remove my license to teach all you want, but I will never..."



Matinding usap-usapan ang kontrobersiya na kinasangkutan ng guro na di umano'y inireklamo ng pamamahiya sa kanyang estudyante. Umani ng iba't ibang reaksyon ang kinahinatnan ng guro lalo pa at di raw umano ito dumaan sa tamang proseso.
Larawan mula Manila Bulletin

Maging ang host ng programa na si Raffy Tulfo ay inulan ng batikos dahil sa naging reaksyon nito nang di manlang inaalam ang panig ng guro.

Samantala, isang guro ang nanindigang ipagpapatuloy ang pagdidisiplina sa mga “palasagot, pa-cool, bastos at feeling entitled” na mga bata kahit na matanggal ang kanyang lisensiya.
Larawan mula Zeibiz

Photo credit to the owner

Narito ang buong post:

“Isinulong ang NO ASSIGNMENT ON WEEKENDS POLICY, kinampihan namin kayo!

Inilunsad ang NO TO SPECIAL PROJECT program, nag comply kami.

Isinulong ang ANTI-BULLYING campaign, naki-cooperate kami.

Inilaban ang NO TO EXPENSIVE PROJECTS, isip kami ng ibang alternatives.

Naglabas nang anunsyo na, YES to iPad and Tablet as eBooks instead of Books, Go lang kami!

Bawal Pingutin?
Bawal Saktan?
Bawal Laitin?
Go!

Pero ngayon bawal na 'din bigyan ng sanction 'pag may ginawang hindi maganda?
Ano pa? Bawal na 'din ba sila tignan kasi baka ma-'trauma'?
Photo credit to the owner

EDUCATION should start from HOME. Nauso lang si Tulfo, tulfo na agad? Walang Principal or Guidance Councilor?

Kaya ang mga bata nacu-culture shock pagdating sa trabaho eh. Kasi, all this time akala nila 'Baby' sila. Hindi ko pinagkakatuwaan ang mga tao na dumaranas ng trauma or depression, pero mas mato-trauma 'yung mga 'yan, dahil akala nila Glitters and Rainbows ang reality ng buhay.

We hone and mold them to become ready sa buhay, tapos sa simpleng kibot lang ng teacher, Public humiliation agad?

Remove my license to teach all you want, but I will never 'baby' your '17 year old - palasagot - pacool - bastos - feeling entitled' kid!”


***