Screenshot of the said video of the time traveler | Credit to YouTube/ApexTV |
Ang 'time traveler' na ito na diumano ay pinangalanan ang sarili na 'Noah' ay nagpaunlak ng isang panayam sa ApexTV, isang YouTube account na nakatuon sa paranormal at mga kwentong hindi pangkaraniwan. Sadyang hindi ipinakita ang mukha at itinago ang tunay na boses ni 'Noah' upang diumano ay itago ang tunay na pagkakakilanlan nito.
Ani 'Noah', siya ay nanggaling sa hinaharap o propesiya at sinabing narinig niya mismo sa mga tao doon ang magiging kalagayan ng Pilipinas sa taong 2030.
Sinabi ni Noah na ang Pilipinas ay magtatagpo at makikiisa sa iba pang mga bansa ng Asya ng Timog-Silangang Asya (ASEAN). Idinagdag din niya na ang Pilipinas ay magiging bagong bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam, at magiging isa sa pinakamakapangyarihan sa mundo.
Kanya ding isinaad na magiging isang distrito na lamang ang bansang Pilipinas ng isang bansa, na kanyang pinabulaanang pangalanan.
"I cannot say the name of this future country but the Philippines will basically be like a state within this country and it’s gonna be a huge, huge thing," aniya.
"The ASEAN will become one giant country and plans for the whole world to become multiple countries that are merged together, and they will become like some type of districts but they will be very, very powerful.”, dagdag pa niya.
Binanggit din ni 'Noah' na kanya din diumanong nakita na ang Pilipinas ay hindi lamang magiging isa sa pinakamakapangyarihan kundi magiging ganap na higanteng 'utopia' o paraiso at ligtas sa ano mang kapahamakan o krimen.
"In the future, the Philippines makes one of the biggest decisions ever and finally get rid of all the corruption and all the crime. The Philippines becomes a giant utopia. It is the most unbelievable transformation ever.", ang sabi ng 'time traveler' na si 'Noah'.
Sinabi ni 'Noah' na magiging 'crime-free' na ang Pilipinas pagkatapos diumano nitong maipatupad ang artificial intelligence (AI) na pwersa ng pulisya na bubuin ng bansang Japan. Idinagdag din niya na ang gross domestic product ng bansa ay tataas matapos na maipatupad ang AI.
Ipinahayag din niya na sa 2030, magsisimula ipatupad ng Pilipinas ang tinatawag na 'brain chips' sa mas maraming tao hangga't maaari. Ang 'brain chips' na ito diumano ay naglalaman ng mga personal na impormasyon ng bawat Pilipino.
"In 2030, Philippines just started a decision to actually implement brain chips into as much people as possible. If you were ever rushed to the hospital, they could easily find all the information on you and it has saved so many lives like in the millions", ani 'Noah'.
Maraming Pilipino ang nag-komento tungkol sa propesiyang ito ni 'Noah'. Ang ilan ay nagpapasalamat sa maliwanag na pag-asa na naghihintay sa kanilang bansang Pilipinas.