Bata na takot sa mga pulis, pinasyalan ng tropa para matupad ang pangarap na makakain sa Jollibee - The Daily Sentry


Bata na takot sa mga pulis, pinasyalan ng tropa para matupad ang pangarap na makakain sa Jollibee



Larawan mula sa I LOVE PNP

Sa panahon ngayon, madami sa ating mga kababayang Pilipino ay hindi maganda ang tingin sa ibang mga alagad ng batas o ang tingin nila sa mga ito ay hindi mapag-kakatiwalaan.

Samantala, hindi natin masisisi ang iba nating kababayan kung ganun ang tingin nila sa mga otoridad dahil hindi naman talaga maipagkakailang mayroon ilang mga pulis na hindi karapat-dapat sa kanilang mga puwesto.

Ganun pa man, kung may mga alagad ng batas na hindi mapagkatiwalaan sa kanilang puwesto ay mayroon din namang mabubuti o busilak ang kalooban na mga pulis.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Sa Facebook post ng isang fan page na "I LOVE PNP", nag-viral ang ginawang kabutihang loob ng isang grupo ng kapulisan sa lugar ng Ilocos Sur.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Kwento ng mga ito, galing ang grupo ng kapulisan sa ilang gabing operasyon sa kabundukan at nadaanan nila ang isang bahay.

Ayon umano sa mga residente doon ay hindi lumalabas ng bahay ang bataang babae na si Romelyn Siena dahil takot ito sa mga pulis.
Larawan mula sa I LOVE PNP
"Isang bata na nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur na takot sa mga Pulis, hindi pa nakakapasok o nasusubukang kumain sa jolibee ang binalikan ng tropa ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company RMFB1, Police Regional Office 1, upang ipasyal, ipamili ng mga gamit at matupad ang pangarap na makakain sa jolibee." mababasang caption ng Facebook post.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Makalipas ang ilang araw ay binalikan ng ilang pulis si Romelyn upang suyuin upang maiba ang tingin ng bata sa mga pulis na hindi dapat siya natatakot sa mga ito dahil mababait naman sila

Dito mapapatunayan na hindi lahat ng alagad ng batas ay masama o kaya naman ay mapang-abuso sa kanilang puwesto, marami din sa ating kapulisan ang mayroong ginintuang puso.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Hinangaan ng karamihan ang ipinakitang kabusilakan ng puso ng mga pulis na ito kung saan ay isang batang babae sa liblib na kabundukan sa  Ilocos Sur ang kanilang pinasaya.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Ayon sa "I LOVE PNP" na Facebook page, ang batang babae na si Romelyn ay takot sa mga pulis kung kaya naman pinuntahan ito ng grupo ng kapulisan upang mapukaw ang hindi magandang tingin sakanila.

Kwento ng mga ito, halos isang oras bago nila makumbinsi si Romelyn na lumabas sa kanilang bahay dahil na rin sa takot niya sa mga pulis.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Larawan mula sa I LOVE PNP
Noong mga oras na lumabas na si Romelyn ay agad niyakap ito ng isang pulis kasabay ng pag-iyak dahil naalala nito ang kanyang anak na babae na matagal na nitong hindi nakakapiling.

Napag-alaman na ang batang babaeng ito ay kailanman hindi pa nakakapasok o nakakakain sa Jollibee kung kaya naman nag-effort sila para matupad ang mumunting pangarap ng bata na makakain sa Jollibee.

Lumipas umano ang ilang araw ay binalikan nila si Romelyn upang tuparin ang mumunting pangarap ng bata na makakain sa Jollibee.

Matapos silang kumain sa Jollibee ay ipinasyal pa nila ang batang babae at ipinamili ng mga kailangan nitong gamit.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Dahil sa ginawang kabutihan ng mga pulis, madaming netizens ang tila nag-iba ang tingin sa ibang kapulisan at hinangaan pa nga ang mga ito.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Ayon sa isang netizen na si William Caacbay, sana ay tularan sila ng ibang kapulisan na busilak angpusosa pagtulong sa mga nangangailan.

Saludo naman si Maria Buena na tila hindi mapigilang mapaluha sa ipinakitang ginintuang puso ng mga pulis na ito.
Larawan mula sa I LOVE PNP
Larawan mula sa I LOVE PNP
Basahin ang karagdagang impormasyon sa kaganapan.

"Sa kwento po dto galing ang tropa ng Kapulisan sa ilang gabi sa kabundukan at nadaanan ang lugar ng bata...

"Kwento ng mga mamamayan dun ang bata na si Romelyn Siena ay takot sa mga Pulis lalo na sa may mga bar!l.

"...nasa 30 minuto daw nla na kinombinsi ang bata na mapalabas sa bahay nla,.

"Ang dami na daw inialok ng mga mamang Pulis...at nong lumabas ang bata niyakap ito ni Mamang Pulis at napaiyak dahil naisip daw nya ang kanyang anak na matagal na din na di nya nakakapiling...

"lumipas ang ilang araw binalikan si Romelyn ng Kapulisan gaya ng pangako nla sa Bata...

"-Salamat mga Kababayan

"GodBless Us All.

"#PusoAtMalasakit

#LoveAndCompassion

****