Isang babae, naningil umano ng utang kay bes, pinagtataga - The Daily Sentry


Isang babae, naningil umano ng utang kay bes, pinagtataga



Larawan mula sa Fran Rusti
Nauuso ngayon ang kamustahan ng magkakaibigan sabay sa bandang huli ay mauuwi ang kamustahan sa utangan ng pera.

Kamakailan lamang ay nagviral sa social media ang conversation ng mag-kumpare kung saan ay nagkamustahan ang dalawa sa una ngunit bandang huli ay nauwi lang sa utangan ng pera ang simpleng kamustahan. 

Ngunit mas masahol naman ang nangyari sa dalawang magkaibigan na babaeng ito dahil ang simpleng utangan ay nauwi sa isang malagim na pangyayari.

Viral ngayon ang post ng isang Facebook fanpage na Fran Rusti kung saan ay may caption na "Naningil ng utang kay bes pinagtataga😭"

Ayon sa post, nalagay sa alanganin ang buhay ng babaeng naningil ng utang sa kanyang kaibigan dahil pinagtataga umano siya nito.

Mababasa sa post na ayon umano sa biktima, napakabait pa ng suspek noong unang umuutang siya.

Noong una daw ay nag-message ang kanyang kaibigan ng “KAMUSTA KANA BES?” sa messenger, pero bandang huli pala ay nais lamang nito umutang ng pera.

Lumipas ang panahon ay kinailangan na ng biktima ng pera at sisingilin na niya ang kanyang kaibigan, laking gulat nito nang ayaw magbayad ng suspek at galit pa umano ito.

Kwento pa nito, nagbanta pa umano ang suspek na huwag na huwag siyang pupuntahan sa kanyang condo para singilin dahil wala umano siyang pera na pambayad.

Pero hindi nakinig ang biktima dahil kailangan na kailangan na nito ang pera kaya naglakas loob itong pumunta sa condo upang singilin ang suspek sa kanyang utang.

Sa kasamaang palad ay pinagtataga ng suspek ang biktima na para bang gusto na nitong kitilin ang buhay ng dati nitong kaibigan.

Makikita sa mga i-nupload na larawan ng biktima na tadtad ito ng malalaking sugat sanhi ng pagkakataga sakanya.

Nakakalungkot isipin na mayroon mga tao na mabait lamang sa umpisa dahil may kailangan ngunit kapag nakuha na nila ang kanilang gusto ay bigla na lamang mag-iiba ang ugali ng mga ito.

Kaya payo ng nakararami, huwag basta-basta nagtitiwa sa mga kaibigan o ibang kakilala lalo na kapag pera na ang pinag-uusapan dahil ang pera ay nalalason ng isipan.

Ikaw kabayan, naranasan mo na din ba na utangan ng iyong kaibigan at sa oras na sisingilin mo na ay sila pa ang may ganang magalit?

Tignan ang buong post sa ibaba:



****

Source: Fran Rusti