Batang babae, nanawagang mahanap na ang nawawalang ina: "Pumanaw na si papa kakahanap sayo" - The Daily Sentry


Batang babae, nanawagang mahanap na ang nawawalang ina: "Pumanaw na si papa kakahanap sayo"



Larawan mula kay Mary Joy Sabroso Quindao
Nanawagan sa social media ang isang batang babae na sana ay mahanap na ang matagal ng nawawalang ina.

Viral sa Facebook ang ginawang post ng batang si Mary Joy Sabroso Quindao na taga Paknaan Mandaue City dahil sa hindi kanais-nais na sinapit ng kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa post ng bata, mag-tatatlong buwan nang nawawala ang kanyang ina, maging ang kanyang ama ay binawian na ng buhay dahil sa kakahanap sa kanyang nawawalang asawa.

Araw gabi umano ay hinahanap ng kanyang ama ang nawawala nilang ilaw ng kanilang tahanan, hanggang sa hindi na nito maasikaso ang sarili at napabayaan na nito ang kanyang kalusugan.

"Ma iniwan na tayo ni papa. namtay siya sa kakahanap sayo. Araw gabi hinahanap ka ni papa ma hindi sya nagpapahinga kasi nag aalala sya kung ano ng nangyari sayo." ayon kay Mary Joy.

Ito ang naging mensahe ni Mary Joy tungkol sa nangyari sa haligi ng kanilang tahanan.
Larawan mula kay Mary Joy Sabroso Quindao
"Papa kung nasan kaman ngayon miss kana namin pa mahal ka namin alam mo yan. Gabayan mo kami pa ha? Hindi ka namin makakalimutan dahil ikaw ang pinaka mabait at pinaka masipag na papa sa buong mundo." dagdag pa ni Mary Joy.

Sa kabila ng sinapit ng kanilang pamilya, malakas parin ang panalangin ni Mary Joy na balang araw ay mahahanap din nila ang nawawalang ina.
"Paki sabi naman kay papa jesus at mama mary na sana tulungan nya kami na mahanap na si mama hindi kami tumitigil sa pagdadasal dahil alam namin na naririnig kami ni papa jesus at ibibigay nya ang hiling namin."

Basahin ang buong post ni Mary Joy sa ibaba:

"Ma asan kana po?

"Lord tulongan nyo po kami na mahanap ang mama ko. Mag tatlong buwan na hindi parin namin nahahanap si mama.Maawa po kayo samin ng kapatid ko kailangan po namin ng isang ina na mag aalaga at magmamahal sa amin lalo't ptay na si papa.
Larawan mula kay Mary Joy Sabroso Quindao
"Ma iniwan na tayo ni papa. namtay siya sa kakahanap sayo. Araw gabi hinahanap ka ni papa ma hindi sya nagpapahinga kasi nag aalala sya kung ano ng nangyari sayo. Nakalimutan nyang alagaan sarili nya kasi nandito pa kami 
Larawan mula kay Mary Joy Sabroso Quindao
"Papa kung nasan kaman ngayon miss kana namin pa mahal ka namin alam mo yan. Gabayan mo kami pa ha? Hindi ka namin makakalimutan dahil ikaw ang pinaka mabait at pinaka masipag na papa sa buong mundo. Paki sabi naman kay papa jesus at mama mary na sana tulungan nya kami na mahanap na si mama hindi kami tumitigil sa pagdadasal dahil alam namin na naririnig kami ni papajesus at ibibigay nya ang hiling namin.

"Sa mga tumutulong samin ng kapatid ko salamat po , salamat dahil nandyan kayo at hindi nagsasawang tulungan kami . Ate Maeann at Ate grace salamat sa pagsusuporta sa gatas at diaper ni baby thia . Kay lola at lolo na nagbabantay kapag may pasok ako at inaalagaan si thia salamat po. Salamat po sa lahat wag po kayong magsawa na tulungan kami.

"Humihingi po ako ng tulong sa inyo tulungan nyo po kaming hanapin ang mama ko.


"Siya ay si Mary Ann Sabroso,32 at nakatira sa Paknaan Mandaue City.

"Nagkaskit po sya. Bigla na lang po syang lumundag ng bintana at hindi na po namin nahabol.

"Sana po iparating nyo ito sa mga taong kaya kaming tulungan sa paghahanap para narin po sa kapatid ko na maliit pa na naghahanap ng aruga ng isang ina. Tulungan nyo po kami maawa po kayo sa amin ng kapatid ko. #KMJS Tulungan ninyo kami mahanap namin si mama🙏🙏

****

Source: Mary Joy Sabroso Quindao / Facebook