Sinabotahe o hindi sinasadya? Ito ang tanong ng karamihan sa mga sumuporta kay Patch Magtanong sa prestihiyosong pageant na Miss International matapos magkamali ang interpreter sa pag-translate ng kanyang speech.
Isa sa top-favorites ang kandidata ng Pilipinas na si Atty. Patch Magtanong sa nasabing pageant. Kaya naman ikinagulat ng marami nang hindi sya matawag sa final announcement ng mga nanalo.
Tanggap na umano ni Magtanong ang kanyang pagkabigo na masungkit ang korona ng Miss International ngayong taon. Ngunit tanong ng marami, nabigyan nga ba ng hustisya ng interpreter ang sagot nya sa ingles nang ito ay isinalin na sa wikang hapon?
Para sa kaalaman ng ilan, Japan-based ang organizer ng naturang pageant kung kaya naman kailangang i-translate sa Japanese ang bawat speech ng mga kalahok.
Direktang sinagot ni Patch ang tanong ng karamihan tungkol dito.
Direktang sinagot ni Patch ang tanong ng karamihan tungkol dito.
Ikaw, hindi nga nabigyan ng hustisya ng translator ang kanyang sagot.
“Naririnig ko na nagsa-struggle 'yung interpreter so medyo kinabahan ako.” paglalahad ni Patch.
Sa kabila nito, naniniwala ang dalaga na hindi lamang naman ang speech ang basehan para manalo.
“Pero I think hindi lang naman speech ang basehan ng Miss International kung 'di ang overall [performance ng beauty queen].
Naiiintidihan ng abogada na baka hindi nga sya ang hinahanap ng Miss International.
“So siguro, hindi ako 'yung hinahanap nila.”
Masaya naman si Magtanong sa pagkapanalo ng kapwa Asian na si Miss Thailand Bint Sireethorn Leearamwat.
Isa sa Top 8 finalists si Patch Magtanong.