Idol Raffy Todo Explain. Humingi ng Tawad sa mga Netizens: "Tao lang naman ako, Hindi naman ako Perpekto." - The Daily Sentry


Idol Raffy Todo Explain. Humingi ng Tawad sa mga Netizens: "Tao lang naman ako, Hindi naman ako Perpekto."



Raffy Tulfo | Teacher Melita Limjuco | Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Matapos makakuha ng 292,000 dislikes sa YouTube at napakaraming kritisismo sa social media, ang mamamahayag na si Raffy Tulfo ay humingi ng tawad sa mga netizens matapos na maipalabas ang isang episode nito sa 'Raffy Tulfo in Action' kung saan inireklamo ng isang magulang ang guro ng kanyang anak na diumano ay namahiya at naging dahilan upang ma-trauma ang bata.

Marami ang hindi natuwa sa naging reaksyon ni Tulfo at tila kinampihan daw diumano ang panig ng mga magulang na hindi muna pinakinggan ang paliwanag ng guro na si Melita Limjuco. Dahilan upang ipilit niya ang pagwawalang bisa ng lisensya nito sa pagka-guro at tumigil na sa pagtuturo.





Pamilyang nagreklamo | Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Matapos mag-viral sa social media, libo-ibong netizens ang nagpaabot ng kanilang simpatiya sa nasabing guro at hindi pagsang-ayon kay Tulfo dahil hindi daw diumano makatarungan ang ginawa nito na pag-sermon kay Limjuco dahil lamang sa ginawa ng huling pagdidisiplina at pagpapalabas sa silid-aralan sa bata.

“I am going to listen to the netizens, kasi nga naman kung wala yung mga netizens eh wala din tayong show, so having said that I guess, ang gagawin ko nalang ay etong si teacher at itong parent ng bata ay pagbabatiin ko nalang,” ani Tulfo.

“May point nga naman sila na very harsh yung desisyon na pag-resignin yung teacher, although si teacher, she really admitted na meron siyang pagkakasala doon,” dagdag niya.

Sinabi din ni Tulfo na papayag siya sa mga netizens na huwag nang bawiin ang lisensya ng guro. Gayunpaman, iginiit niya na dapat ay meron pa ding naka-ayon na parusa kay Limjuco sa kanyang ginawa.

Teacher Limjuco | Photo credit to the owner
Nakausap din ni Tulfo ang nagreklamong magulang na si Rosemil Edroso, ang ina ng anak na diumano ay pinarusahan ni Limjuco.




Hinimok niya si Edroso na tanggapin ang paghingi ng tawad ng guro at bawiin ang kanilang hangarin na ipawalang-bisa ang lisensya ng guro.

“Para sa akin naman po, kung ang Diyos ay nakakapag-patawad, tayo pa kaya, nag apologize naman po si teacher on air, doon pa lamang po ay nag-pakumbaba na siya, sana po ay nakabawas na po ito ng sama ng loob niyo,” sabi ni Tulfo sa ina ng bata.

Tinanong niya din kung papayag ba itong magkaayos na lamang sila ng guro.

“So okay lang po ba sa inyo na pag-babatiin ko nalang kayo ma’am?” he added.

Ngunit nagreklamo din si Edroso na naka-tatanggap diumano sila ng maraming mga kritisismo sa social media at ang iba daw ay gumawa pa ng mga pekeng accounts upang pagkatuwaan sila.


Rosemil Edroso | Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Sa kabila nito, matagumpay naman na nakumbinsi ni Tulfo ang nagrereklamo na huwag ng ipawalang-bisa ang lisensya ni Limjuco, matapos niyang mapangkinggan ang mga pahayag ng mga netizens, at mapagtanto na may 'point' ang mga ito.

Dahil dito hiniling na lamang ni Edroso na mag 'public apology' si Limjuco.

Pumayag naman si Tulfo at sinabing siguro naman ay sapat na ito dahil nakakuha naman sila ng hustisya sa nangyari. At sa kabila nito ay matutuwa na din ang mga netizens at nagpaabot ng kani-kanilang saloobin.

“I think it’s a win-win solution, nanalo po kayo at nakakuha ng hustisya, nanalo rin po yung mga netizens sa kanilang gustong mangyari. Sana ma’am maintindihan niyo tong sinasabi ko,” saad niya.

Bago matapos ang episode na yon ng programa, ipinahayag ni Tulfo na tinatanggap niya ang mga kritisismo mula sa mga netizens.

“Okay lang yun, hindi niyo nagustuhan yung desisyon ko, hindi niyo nagustuhan yung desisyon ko, okay lang po yun punahin ninyo ako, tao lang naman ako, hindi naman ako perpekto,” aniya.

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag niya sa netizens na hindi madali at kung gaano kahirap ang kanyang trabaho sa programang Raffy Tulfo in Action.

“This is the time na sabihin ko sa mga netizens, ano bang kalagayan ko dyan sa ating programa. Hindi po madali ang ginagawa ko po at ginagawa ng mga tao, daan daang katao po ang gustong makipag usap sa akin every single day,” sabi niya.

“By the time na pagdating po ng hapon, pagod na pagod na ko, kung minsan bago palang ako maisalang sa tanghali yung isang problema, pagod na ko, kasi may tinatawag na off-air na pagi-interview,” dagdag ni Tulfo.