Kumalat sa social media ang mga masasamang balita patungkol sa idinaraos na SEA Games sa ating bansa.
Popong Laurin / Larawan mula Twitter
Kabilaan ang pagbabalita ng malalaking media outlets sa mga hindi magagandang nangyayari sa SEA Games at halos wala ng makitang maganda rito.
Ayon sa Facebook post ng isang netizen, walong taon na umano siyang volunteer para sa Bansa. Bilang volunteer sa SEA Games, ayaw niyang palagpasin ang mga negative feedbacks mula sa media at social media.
Sa post ni Popong Laurin, hindi umano niya maintindihan kung bakit ganito ang ginagawang balita ng ibang news outlet dito sa Pilipinas.
“Parang member sila ng isang grupo na taga hanap at highlight ng kung anong kapalpakan na mangyayari sa SEA Games.”
Larawan mula Rappler
Kwento niya, hindi naman raw gutom ang mga athletes sa SEA Games, lalo na ang mga VIP guests at officials.
Dagdag pa niya, sadyang may mga bagay na palpak, ngunit hindi na natin dapat pang palakihin ito.
Ang payo niya sa kapwa Pilipino ay huwag basta basta maniniwala sa mga nakikita o nababasa sa social media.
Hinihikayat rin niya ang lahat na isantabi muna ang Politika at magkaisa bilang isang Pilipino.
“Enough of the Politics. Let us, at least be proud of ourselves as a Filipino. Be there for the country and stand by her as we try to uplift our nation.”
Narito ang kanyang buong post:
"1st day of official duty.
Pasintabi po ulit pero mahirap pong palampasin ung mga negative feedback sa media at social media.
Ako po ay isang volunteer ng SEA Games, walang taong pinagtatangol or grupong kinaaaniban bukod sa pagiging volunteer para sa Bayan.
1st hand experience ko po to, hindi ko nadampot sa social media ung mga bagay na to.
Pero d ko maiintindihan ung ibang news outlet natin d2 sa Pinas. Parang member sila ng isang grupo na taga hanap at highlight ng kung anong kapalpakan na mangyayari sa SEA Games.
Bilang na bilang ang mga success stories na inilalabas nila.
Based sa aking 1st hand experience:
D naman gutom ang mga athletes, lalo d gutom ang mga VIP guest at officials.
Ang mga volunteers, satisfied naman kami.
Madalas ang mga athletes and guest pa ung tumatangi pag aalukin silang kumain.
Oo may mga bagay na d perpekto. Pero sino ba sa tin ang may gusto na pumalpak? O Kaya naman, sino ba talaga ang naghahangad na pumalpak tyo?
May mga gusot man a long the way, pero nung nag simula na ung mga games naglaho na ung mga maliliit na bagay napilit pinalalaki ng iba.
Ang Mahalaga pa dun, na tuloy ang Laban at naging maayos ang palaro.
Ito pong post na to ay para mapalakas ang loob ng mga kapwa ko volunteers. Alam natin ang totoo, at nakikita natin ang effort ng mga taong nasa likod ng SEA Games.
Hindi lahat ng nasa News at News feed natin sa Social Media ay totoo. Wag kyong panghinaan ng loob kasi para sa Bayan to.
Mas gustuhin natin na iangat ang bawat Pilipino kaysa makisali sa mga ingay ng iba Jan. Who knows a little about how we run things for the success of the SEA Games.
Sa Nov. 30 palang ang opening ceremonies, pero may mga nagsasabi na palpak na daw ang hosting ng SEA Games?! Ito lang ang magsasabi ko, napakajudmental naman nila. Ni hindi ko man nakikita mga anino nila sa mga events and preparation ng SEA Games e, sa FB lang sila kumukuha ng information nila.
Enough of the Politics. Let us, at least be proud of ourselves as a Filipino.
Be there for the country and stand by her as we try to uplift our nation.
Hindi lahat ng news at nasa feed sa social media ay totoo.
Worst thing is, ung mga maliliit na bagay ang kadalasang Hina highlight at ginagawang sensationalized."
***
Source: Popong Laurin | Facebook